PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Saturday, May 8, 2010

The perfect mother-daughter blend

Jean Garcia is a stunner. Her 20-year-old daughter, Jennica, is obviously cut from the same cloth but is also beautifully coming into her own. But more than looks and achievements in their respective careers, what they are most proud of is the kind of relationship they share.

During the one-on-one interview with the mother-daughter tandem for their brand new endorsement deal for URC’s Cream All, Bulletin Entertainment learns Jennica would rather not talk about Mother’s Day. Not because she wants to ignore it—in fact, she seems to have evaded the topic so she won’t inadvertently reveal any surprise she may have for her mom. Jean, for her part, kids her daughter about what she wants to receive.

We've got a good thing going

Such is the relationship between the two—a light banter erupts every now and then, a clear sign of an enviable easy-going bond. While Jean would call Jennica “honey,” the latter is not beyond kidding her mother, “Nako, ibubuko kita rito” or would describe some of her antics as “nakakaloka,” followed by shared laughter.

Jennica says, “Sobrang masaya talaga ako na si mama talaga ‘yung mama ko… kasi para na kaming magkapatid.” But she is quick to point out that despite that fact, she knows where her boundaries are.

Indeed, limits are required even in a relationship built on trust and openness. “Wala siyang fears ‘pag dating sa akin,” Jean nevertheless says of her first-born.

Jennica, for her part, admits she could never keep a secret from her mother, “Kasi malalaman naman niya na meron eh.” Clearly, Jean reads her daughter well.

Ultimately, all she wants is for Jennica to come to her for anything, “Mas gusto kong alam ko—whether good or bad, negative or positive. Hindi naman ako mag-aadvice sa kanya na makaka-sama…”

All grown up

As a young adult, Jennica is clearly very level-headed, a testament to how Jean has raised her. When she already began earning money, Jean says Jennica would pay for some of their household bills to help her out.

But Jennica herself is at a threshold, already a young lady whose life is ahead of her. Having a daughter that’s growing up exposed to showbiz is something Jean says is “medyo scary, kasi alam ko yung business eh.”

She also warns her daughter to be wary of influences, even that of other young stars. “Nakikita mo naman ‘pag okay o hindi… Ako naman, guidance lang.”

Jean has already seen her daughter through a relationship before—with erstwhile love team partner, Mart Escudero. But while Jennica says, “I’m sure oo,” when asked if her mother freaked out, Jean points out, “Nung naghiwalay sila, hindi ko pinersonal ‘yung guy…”

But her request to Jennica: “Honey, please lang…”—and the mother and daughter say together with a laugh: “‘Wag ka muna magka-boyfriend!”

However during the interview, Jennica also reveals something even Jean has not heard from her before, “’Pag ako nagka-anak, ayaw ko ng babae. Nakikita ko naman sa kanya, oo mahal niya kami pareho ng kapatid ko [7-year-old boy, Kotaro], pero iba ‘yung gwardiya niya sa akin kasi babae ako,” she admits.

But despite that, Jean’s advice to her daughter is, “Love with all your heart… Love your family. Be responsible. Kailangan gamitin mo rin ‘yung utak mo…kasi yung mga mistakes na nadaanan ko, alam mo ‘yun. Pero sabi ko, 'Don’t close your heart'.”

Blending different tastes

Jean and Jennica currently appear on the same soap, GMA’s “Ina, Kasusuklaman Ba Kita?” as mother and daughter. While accepting these roles isn’t necessarily indicative of very similar preferences, Jean and Jennica admit they do have very different taste in a lot of things.

While they do like watching the same movies and, during down times, would find themselves bonding over Facebook in their garden, they have different taste in everything from shoes (mother likes heels, daughter likes flats) to make-up and beauty products. Jean likes to cook, while Jennica only recently expressed interest to learn how. Jean likes tea, while Jennica is a coffee lover.

But as mother and daughter once again find themselves working on the same project—this time as a tandem endorsing Cream All—they find another common ground.

Jean considers being tapped as endorsers of URC’s coffee creamer brand as a blessing; bonding over food is one thing they like to do. Jennica, meanwhile, finds that it gives her a good excuse to make her momma proud, so to speak. “Magtitimpla ako ng tiya-a na may cream! May effort na ako ngayon, ‘Ma, akong nagtimpla niyan’,” she kids.

Cream All’s brand manager, Pepe Roderos, points out that the two ladies make the perfect ambassadors for their brand. For them, a modern product that works with a variety of beverages from coffee, tea, hot chocolate (which Jean says her son loves), or even for cooking, would be best represented by the two celebrities that are versatile, and that appeal to their target market of young adults and young, cool mothers.

But most of all, the amazing mother-daughter relationship they share makes Jean and Jennica not just Cream All’s ideal brand endorsers but also a very good example of what makes a near-perfect state of love and trust.

Willie Revillame tones down his issue against Jobert Sucaldito

Inamin ni Willie Revillame na naging emosyonal siya sa kanyang mga nasabi sa Wowowee ukol sa naging issue sa kanila ng segment host ng The Buzz at DZMM host na si Jobert Sucaldito.

Sinabi niya ito noong Biyernes, May 7, sa Manila Harbor Center sa Vitas, Tondo, Manila, sa presscon na isinagawa bago ang miting de avance ng Nationalista Party. Humarap din sa entertainment press ang NP presidential candidate na si Senator Manuel "Manny" Villar, at ang Comedy King na si Dolphy.

INSULT. Matatandaang nagbanta si Willie last Tuesday, May 4, na magre-resign bilang host ng Wowowee kapag hindi pinatalsik sa ABS-CBN si Jobert. Sa live episode ng Wowowee, hinamon ni Willie ang ABS-CBN management na tanggalin si Jobert dahil umano sa pang-iinsulto nito sa mga contestant ng kanyang noontime show. Bakit daw pinapayagan na maging contestants ang high school students na ang general average ay 75 hanggang 79, tanong ni Sucaldito sa kanyang radio progam.

Sa presscon noong May 7, bago siya nagsalita ay umiwas nang ilang beses ang controversial TV host na pag-usapan ang insidente.

"Ayaw ko munang pag-usapan ang Wowowee, si Senator muna, hindi pa bukal sa loob ko na pag-usapan iyan. Ang importante ay itong miting de avance, itong huling araw ng kampanya.

"Malalaman niyo rin iyon. May oras at araw para diyan," pahayag ni Willie sa presscon para sa entertainment press.

Pagkatapos ng presscon at lumabas ng media room sina Sen. Villar at Dolphy, dinumog ng press si Willie at dito ay muling kinulit. Hindi na nakaiwas ang controversial host ng Wowowee at napilitang magsalita.

JUST WANTS TO REST. Inusisa ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kung mag-a-apologize kaya si Jobert sa mga batang contestants na sa pakiramdam ni Willie ay na-offend, mas magiging okay ba ang sitwasyon?

"Ako, tao lang naman ako, e, di ba?" saad ni Willie na tila lumambot ang puso. "Siyempre, ayaw ko kasing mag-ano, e... Alam mo, medyo lumaki na ito. Sobrang laki na, kayo, kapuwa katrabaho niyo rin, di ba? Nirerespeto ko naman yun, kaya lang siyempre ay masakit dahil pareho kayong nasa isang bubong.

"Pero lahat naman ay napag-uusapan iyan, e. Basta ako sa ngayon talaga honestly, ang puso ko, gusto ko munang magpahinga.

"For five years and a half, imagine, Monday up to Saturday, tapos masyado na siguro akong burned out. Isipin niyo, paano naman ako, di ba? E, mabigat yung ano, e... Pero marami rin naman ang nagtatanggol, marami rin naman ang bumabatikos. Ganoon naman talaga iyan, e, hindi naman lahat ay gusto ka, e.

"Pero ang importante, yung nagkakagusto sa programa, mas marami. Ako naman, pag ayaw na sa akin... alam mo, malalaman mo sa ratings, e, malalaman mo rin sa tao sa loob. Pero ngayon yata, lately, medyo ilang araw na bumagsak [ang ratings]," saad niya.

NO FEAR. Bakit daw kung may reklamo siya kay Jobert ay di na lang kinausap ito nang personal?

"Mahigit isang taon na akong tahimik, kahit tinitira ako. Pero noong nakanti na ang programa, nasaktan na ako. Kasi, programa na iyan, e. Ako, okay lang. Ako, kahit sino ang tumira sa akin, nirerespeto ko, binabati ko pa, e. Di ba? Si Tita Cristy Fermin, iyan ang tumitira sa akin dati every day, pero kita mo parang nanay ko ngayon, di ba?"

Pero ang lakas ng dating ng statement niya sa news program na Bandila noong May 7 na wala siyang kinatatakutan.

"Hindi, kasi ang feeling ko, bakit ako matatakot, wala naman akong ginagawang masama. Puro kabutihan lang ang nasa isip kong gawin, gumawa ng mabuti doon sa kapwa ko, sa Wowowee, at tumulong at magbigay ng pag-asa. So, bakit ako matatakot?

"Siguro ay malakas ang dating, pero kapag totoo kang tao ay ganyan, e. Wala, e, eto ang pagkatao ko. Alangan namang lokohin ko kayo, ang bait-bait ko sa interview tapos... hindi naman maganda yung ganoon. Kung ano ka lang, kasi, yun nga, kaya showbiz, dalawa ang mukha, e. May lumuluha at nakangiti, ipakita mo ang totoong showbiz."

Nire-require ba niyang mag-sorry si Jobert?

"Wala akong nire-require," maikling tugon niya.

Sabi kasi ni Jobert, "Ganoon na ba kalaki ang programa ko....?"


"Hindi rito pinag-uusapan kung malaki o maliit, ang pinag-uusapan ay nasa isang bubungan tayo," mabilis na sagot ni Willie.

"Ano ba ang gagawin ko sa mundo na hindi mo pupunahin. Napakasakit... Iyan si Roldan [Castro, tabloid columnist at PEP contributor] tinitira ako niyan," saad niya habang nakatingin kay Roldan. "Pero nagkakausap kami. [Laughs] Hindi ba, Dan, may nadinig ka ba na binastos kita?" tanong pa niya kay Roldan. "Hindi... Iyong pagrespeto ko, e... Tita Len [Llanes], ikaw din naman dati noon, di ba? (Laughs) Pero yung respeto ko sa inyo, honestly, di ba? Wala kayong narinig sa akin na ganyan, di ba? Hindi ko kayo inireklamo, hindi ako nagsalita kahit ano. Even with the ABS-CBN family, wala akong inirereklamong press, na pinapa-ban ko...

"Hindi ako ganoon, e. Nasaktan lang ako na yung nagko-comment ka about the show, pinaghihirapan ng staff ko iyan. Bigyan natin ng pagkakaton etong mga ito. Siguro, itago mo na lang, 'wag na on air. At hindi rin ako on air magsasalita.

"So ang point ko lang, actually, okay naman kami ni Jobert, e. Kahit na one year na tinitira niya ako. Pag nagkikita naman kami, 'Oy, Bert,' hindi ko siya ini-snub, hindi. My point is, puwede mo namang sabihin na, 'Oy, Willie...' at magpapasalamat pa ako sa kanya. Alam mo kung si Jobert nag-suggest sa akin, tama rin naman siya, bigyan natin yung mga valedictorian, which is ginagawa namin iyon. Kasi ang point ko rito, kahit ano ang pagkatao mo, welcome ka sa Wowowee."

OUTBURST. Tinanong namin kung kailan siya babalik sa Wowowee.

"Honestly, talaga, hindi ko alam kung ako'y babalik o hindi na," seryosong tugon ni Willie.

Paano kung hindi tanggalin si Jobert?

"Alam niyo, hindi ko na desisyon iyan."

Masasabi niya bang nabigla lang siya sa mga nasabi niya?

"Siyempre, outburst mo na iyon, e, dahil nasaktan ka. Siyempre, kahit naman sino. Actually, wala naman talagang issue, e, nabanggit lang sa akin ng isang staff ko."

EXHAUSTED. Hindi naman kaya over ang pagkabanggit o ang naparating sa kanya?

"Well, siguro ang maaring pagkakamali ko... kasi, pagod ka na, di ba?"

Hindi ba, iba talaga kapag sinalin na ang mga sabi-sabi?

"Well, kaya nga eto ang lesson sa lahat, siguro kung magsa-suggest ka, personal, doon sa mga tao sa Wowowee."

Pero yung nasabi mo kay Jobert, hindi mo talaga gustong sabihin?

"Well, siguro ano iyan, e, ganoon... emotional ka, e. Pero ako sa ngayon, siguro sa sobrang pagod, hindi ba nagso-sortie kayo, nagra-rally, tapos sa show... di ba, lahat na, maaaring ganoon?

"Basta ako, kung ano ang desisyon nila, tatanggapin ko iyan. Ako, kung mawawala ako sa anumang programa, hindi ako magsisisi, paninindigan ko iyon. Hindi ako para magsisi. Sinabi ko iyon, e, na kung ako'y sakit na ng ulo sa estayon, ako na mismo ang aalis."

Snooky Serna spends first Mother's Day without mom Mila Ocampo

May lungkot sa mga mata ni Snooky Serna ngayong Mother's Day dahil ito ang kauna-unahang Mother's Day na hindi niya makakasama ang kanyang ina na si Ms. Mila Ocampo.

Sumakabilang-buhay noong January 2010 ang ina ni Snooky dahil sa sakit na emphysema. Marami raw mami-miss si Snooky sa kanyang kongtrobersyal na ina lalo na sa Mother's Day.

THE BEST OF FRIENDS. "Kami naman ni Mommy, kahit na may mga differences kami, we are the best of friends. People may perceive us na laging nag-aaway o nagtatalo over certain things, pero deep inside, nandiyan ang pagmamahal namin para sa isa't isa.

"Every Mother's Day kasi, we go out for dinner or we watch a movie with the kids. Tapos we have gifts for one another din. So yun ang mga mami-miss ko.

"Kami kasi ni mommy, we always find a way to bond with one another. Kapag may problema ako, alam ni Mila Ocampo kung bakit. Ganyan siya kagaling bilang isang ina sa akin.

"Kaya nga during her last few months na maysakit siya, I really took care of her. Hindi naging madali for my mom ang sakit niya. She was always in pain and I was always there by her side to hold her hand and tell her that everything will be fine. During those times nga, parang naging baliktad ang papel namin. Ako na ang naging ina and my mom became the child na dapat mong alagaan.

"It's my turn to really take care of her after all those years na ako ang inalagaan niya kapag may sakit ako at kapag may mga problema ako emotionally. It was my way of thanking my mom for everything. Kaya alam ko na she's in a good place right now. No more pain and puro pagmamahal na ang mararanasan niya roon," ngiti pa ni Snooky.

Ang kanyang mga anak na sina Samantha at Sachi sa unang asawa na si Richard Cepeda ang kanyang makakasama ngayong Mother's Day minus ang kanilang Lola Mila.

"My daughters are very good kids. They are very thoughtful talaga. Every Mother's Day nga we go to this certain arcade at naglalaro kami ng games.

"We bond a lot most especially noong mawala na si Mommy. The love that my mom had showered me ay pareho sa 'binibigay ko sa mga anak ko," ngiti ni Snooky.

Busy si Snooky sa paggawa ng mga indie films at may negosyo rin siyang inaasikaso.

"RIDICULOUS RUMOR." Kelan nga lang ay nabalitang nalululong daw sa pagpunta sa mga E-Games itong si Snooky. Ayon sa mga tsismis ay humihingi pa raw ito ng tulong mula sa kanyang namayapang ina para manalo siya sa mga E-Games.

"Natawa ako sa balitang 'yan kasi it's not true at all," diin niya. "May nagsabi pa nga sa akin na para raw akong luka-luka na dinadasalan ko raw ang mga E-Games at sinasabi ko pa raw na, 'Mommy, give me a sign so I can win!' Doon naman ako natawa kasi bakit ko naman gagawin iyon? Lalo na sa mga lugar na maraming tao. Nakakahiya naman iyon.

"I admit na noon dumaan ako sa pagkalulong ko sa mga slot machines. I really got addicted to this many years back. Tapos na ako roon kasi wala namang nadulot na maganda sa akin iyon. Bakit ko naman babalikan ang ganyang vice, di ba?

"I'm over that now at sana naman ang mga taong gusto na naman akong siraan, please naman, tapos na ako sa ganyan. I'm doing okay now with my life. May maliit po kaming negosyo at ayokong masira lahat iyon.

"I am working hard for my children's future. Huwag naman nilang sirain ang pangalan ko ulit with this ridiculous rumor. It's a funny rumor pero hindi siya magandang balita for anyone," pagtatapos ni Snooky.

Friday, May 7, 2010

Maja Salvador cries foul over "lasenggera" issue

Nagpa-sexy si Maja Salvador sa upcoming offering ng Precious Hearts Romances Presents: Impostor, na magsisimulang mapanood sa ABS-CBN sa May 17 pagkatapos ng PBB Teen Clash 2010 Uber.

Kasama ni Maja sa show sina PBB Double Up Big Winner Melai Cantiveros, PBB Third Big Placer Jason Francisco, Jon Avila, Precious Lara Quigaman, at Sam Milby.

Kahapon, May 6, sa press conference ng Impostor na ginawa sa ABS-CBN sa Quezon City ay ipinakita sa ilang invited entertainment reporters ang trailer ng nasabing serye, kunsaan buong tapang na nagsuot ng two-piece swimsuit si Maja sa ilang piling eksena.

"Actually, kinailangan naman sa character kaya napapayag ako. Pero hindi naman malaswa and bumagay naman sa character," paliwanag ni Maja sa PEP (Philippine Entertainment Portal) nang kantiyawan namin siya.

Gagampanan ni Maja sa Impostor ang papel ng isang modelong nagngangalang Mariz.

Hindi naman daw ito nangangahulugan na tuluyan nang magiging daring ang dalaga sa mga susunod niyang proyekto.

"Depende po kasi," sabi ni Maja. "Depende sa projects na papasok kung kailangan sa character at kung kaya ko naman, bakit hindi?"

Kung tutuusin nga raw ay hindi naman big deal ang pagsusuot niya ng swimsuit dahil karaniwan naman na itong ginagawa, lalo ngayong tag-init.

"Kumbaga, lahat ng mga girls ngayon pag nakita mo sa beach naka-two-piece and feeling ko naman nasa tamang age na din ako, so pumayag na din talaga ako para na rin siyempre sa ikakaganda ng Impostor."

ALCOHOLIC ISSUE. Diretsong pinabulaanan ni Maja ang kumakalat na balita na diumano'y may drinking problem siya . Recently kasi ay may lumabas na isyu na malakas daw uminom ang dalagang aktres kapag nasa labas ito.

"Hindi naman ako umiinom!" diin ni Maja. "Hindi ako lasenggera. Paano pa, e, hindi naman din ako nagba-bar? Ayaw na ayaw kong pumupunta sa bar kasi naiingayan ako, ang labo."

Tinatawanan na lang daw ni Maja ang intriga at wala din namang dahilan para maapektuhan siya dahil kilala naman niya ang sarili. Mismong mga kaibigan daw niya ang magsasabing "videoke" lang ang hilig ng aktres.

May seryosong pakiusap naman ang dalaga sa mga diumano'y naninira sa kanya. Aniya, "Sana kilalanin po muna nilang maigi ang pagkatao ko bago nila isulat 'yong mga ganung bagay. Siyempre, 'yong nanay ko rin masasaktan kung anuman 'yong nababasa niyang mga write-ups, hindi po ba? Lalo na kilala ako ng nanay ko kung anong pagkatao ko, tapos ganun po 'yong lumalabas. So, parang siyempre kahit alam niyang hindi totoo, kahit papaano masasaktan ang nanay ko."

Dagdag ni Maja, "Mahirap i-please lahat ng tao kasi may kanya-kanya silang opinyon, may kanya-kanya silang comment kung ano 'yong pagkatao mo, kung anong nakikita sa iyo. Pero ako ang ginagawa ko na lang, nagpapakatotoo ako. Kayo na po ang mag-judge kung anong tingin ninyo sa akin kung plastic or umaarte lang ba or nagpapaka-artista."

Hindi pa rin naman daw dahilan ang mga negative write-ups para hindi na mag-monitor si Maja ng mga nasusulat tungkol sa kanya. Aminado ang dalaga na binabasa niya ang lahat ng balita tungkol sa kanya, mapa-diyaryo man o online.

"Kailangan ko din 'yon. Bilang artista, kailangan kong nalalaman kung anong tingin sa akin ng mga tao, kung anong nasasabi nila sa akin. Siyempre, kailangan alarma ka kung anong mangyayari sa career mo," sabi niya.

Robin Padilla roots for Gordon, Binay

MANILA, Philippines - Action star Robin Padilla is rooting for Bagumbayan's Richard Gordon for president and Pwersa ng Masang Pilipino/PDP-Laban's Jejomar "Jojo" Binay for vice-president.

In an interview with ABS-CBN News, Padilla, who used to be known as the Bad Boy of Philippine Cinema, made a last-minute endorsement of a mixed tandem.

"Hindi pa tayo nabibigyan ng absolute pardon. Wala pa tayong civil right [para bumoto]. Opinion ko, gusto ko, si Gordon and Binay ako," Padilla said.

Padilla served time after he was found guilty for illegal possession of firearms.

He is currently shooting his first film with Toni Gonzaga under Star Cinema.

In an unrelated development, a conservative political party has asked a local court to stop all commercials and advertisements of Padilla promoting condoms.

Ang Kapatiran senatorial candidate Atty. Jo Imbong filed on Friday at the Quezon City Prosecutor's Office an injunction case against the condom ads of DKT company featuring Robin Padilla.

Imbong, together with Atty. James Imbong, asked the Court to stop the proliferation of condom ads on television, radio, web and billboards featuring Padilla as the endorser.

The complaint filed by the two lawyers stated that the ads promoting condoms and condom use to all audiences, regardless of age, insults the sacredness of sexuality, the sanctity of marriage, and ultimately imperils the institution of the family.

Thursday, May 6, 2010

Iza, Eugene, Roderick at Coco, wagi sa Golden Screen Awards!

FIRST time best actress winners nina Eugene Domingo at Iza Calzado ang tropeong tinanggap nila sa 7th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society last Wednesday na ginawa sa Teatrino, Greenhills.


Best actress in a comedy or musical ang kategorya ni Eugene para sa pelikulang Kimmy Dora at si Iza naman ay best actress sa drama para sa pelikulang Dukot.


Karay-karay nga ni Iza sa awards night ang kanyang boyfriend na binirong lucky charm ng aktres kaya nanalo siya ng award. Solo flight naman si Uge na dumating na nanghiram ng driver upang makahabol sa awards night. Galing ang komedyana sa taping ng Comedy Bar nila ni Allan K.


First time winner din si Roderick Paulate sa GSA bilang best actor in a comedy or musical para sa pelikulang Dead Na Si Lolo na winner din ng best picture in a comedy or musical. Si Coco Martin naman ang panalo bilang best drama actor para sa pelikulang Kinatay na winner ng best drama picture at nagbigay kay direk Brilliante Mendoza ng best director.


After five years, mu­ling tumanggap ng acting award si Dennis Trillo bilang best supporting actor sa pelikulang Mano Po 6. Si Maria Isabel Lopez naman ang best supporting actress para sa Kinatay at ayon sa dating beauty queen na naging sexy actress, matagal man bago siya naka-graduate sa mga bold films, worth it naman daw ang paghihintay at pagtitiyagang ginawa niya.


Hindi man nakadalo si Governor Vilma Santos para tanggapin ang kanyang Lino Brocka Lifetime Achievement Award, naging representative niya ang bunsong anak na si Ryan Christian Recto upang tanggapin ang award. Bibung-bibo si Ryan sa stage habang nagsasalita! Naku, kung present si Gov. Vilma, tiyak na proud mother ang magiging feeling niya!



Dennis, sarap na sarap sa luto ni Jennylyn!

MAGANDANG birthday gift para kay Dennis Trillo ang pagwawagi niya bilang best supporting actor sa katatapos lang na Golden Screen Awards para sa pelikulang Mano Po 6.


Sa May 12 ang birthday ni Dennis, kaya ganun na lang ang tuwa niya nu’ng magwagi siya ng award.

Sabi pa ni Dennis, hindi raw niya inaasahan na mananalo siya ng award, dahil alam daw niyang magaga­ling ang mga kalaban niya.


Nu’ng mga oras na katsikahan namin si Dennis ay hindi pa niya naibabalita kay Jennylyn Mercado ang pagwawagi niya ng award.

At wala pa sa isip niya kung paano isi-celebrate ang pagwawagi, dahil kailangan daw niyang bumalik agad sa taping ng teleserye nila ni Jennylyn.


Anyway, limang taon daw ang binilang bago siya nagka-award ulit, kaya memorable raw sa kanya ang nakuhang award ngayon. Huli siyang nanalo ng award noong 2005 para sa pelikulang Aishite Imasu na pinagbidahan ni Juday.


Kaya ramdam na ramdam daw niya ang sobrang kaligayahan.


Anyway, hindi pa napaplano ni Dennis ang selebrasyon ng birthday niya, dahil ang alam daw niya ay may taping siya sa araw na ‘yon. Posibleng sa May 11 raw siya mag-celebrate dahil ‘yun daw ang araw na wala siyang taping. Kung magagawan ng paraan, plano niyang magbigay ng kaunting salu-salo sa ta­ping nila, bilang selebrasyon na rin ng birthday niya, at victory party na rin.


Nu’ng mabanggit namin ang pangalan ni Jennylyn kay Dennis ay biglang nagningning ang mga mata ng aktor. Pag-amin niya, malaki ang naging kontribusyon ni Jen para maging masaya siya ngayon.


‘Yun nga lang, ayaw pa rin niyang kumpirmahin ang relasyon nila ng aktres. Una­waan lang ang deskripsyon niya sa namamagitan sa kanila ni Jen ngayon.


Anyway, hindi maipaliwanag ni Dennis kung paano sila nagkalapit ni Jennylyn. Hindi rin niya maipaliwanag kung ano ang meron sila ngayon ni Jen.


“Ganun pala talaga ‘yon, na hindi mo inaasa­han na may taong dara­ting sa buhay mo. Hindi mo alam na nasa tabi mo lang pala siya,” sey lang ni Dennis.


Puring-puri ni Dennis ang pagiging malambing at maasikaso ni Jennylyn sa kanya. Ipinagluluto pa raw siya nito, at sarap na sarap daw siya sa seafood pasta na madalas lutuin ni Jen sa kanya.


Siyanga pala, sampung araw na lang ang nala­labing taping days ng teleserye nilang Gumapang Ka Sa Lusak, pero tiniyak ni Dennis na hindi doon matatapos ang magandang unawaan nila ni Jennylyn.


Sigurado nga kasi na hindi makakasama ni Dennis si Jennylyn sa next pro­ject nito na Endless Love, dahil sina Marian Rivera at Dingdong Dantes ang mga kasama niya roon.


Pero, titiyakin daw ni Dennis na magkakaroon pa rin sila ng communication ni Jennylyn, dahil siya mismo ay ayaw raw niyang maputol ang kanilang samahan.


Siyanga pala, itinanggi ni Dennis ang balitang madalas silang magkasama sa lakaran ni Jennylyn, kasama ang kani-kanilang mga anak na sina Alex Jazz at Calix.


Ayon kay Dennis, nagkita lang sina Jennylyn at Calix nu’ng bago magpunta ng Amerika at nu’ng bumalik sa Pinas si Calix. Isang buwan daw nagbakasyon si Calix sa States para makasama ang mga nag-alaga sa kanya roon.


Si Dennis naman, nakikita lang daw niya si AJ kapag dumadalaw siya sa bahay ng aktres at kapag dinadala ni Jen ang bata sa taping nila.

Regine, halos iumpog ang ulo sa dingding ‘pag sinusumpong ng migraine!

ANG migraine ni Regine Velasquez ang sinasabing dahilan kaya nahimatay siya sa taping ng Diva noong Lunes at confinement sa ospital. Ang migraine ay isang uri ng sakit na nagbibigay ng matinding pananakit ng ulo.


Sina Regine at Senator Bong Revilla ang ilan sa mga showbiz personality na may migraine illness.


“Halos iumpog sa dingding ang ulo,” ang sagot ni Ogie Alcasid nang itanong namin sa kanya ang pakiramdam ni Regine sa tuwing sinusumpong ng migraine. Dahil sa sinabi ni Ogie, nagkaroon kami ng idea sa nara­ramdaman ng mga tao na kagaya ni Regine ang sakit.


Nag-suggest kami kay Ogie na subukan ni Regine ang acupuncture. Nasubukan na raw ni Regine ang acupuncture at malaking tulong ito pero sinusumpong pa rin ng migraine ang kanyang girlfriend.


Nagmamadali si Ogie nang makausap namin da­hil ilalabas pa niya sa ospital si Regine kaya hindi kami sigurado kung naintindihan niya ang aming suggestion na myotherapy.


Ito ang definition ng wikipedia tungkol sa myotherapy:

“Myotherapy treatment involves an extensive physical evalua­tion with an integrated approach to the treatment of involved muscles, joints and nerves. Myotherapy can be utilized to treat acute and chronic conditions, as well as in the area of preventative ma­nagement and prescriptive exercises.”


Si Rey Sta. Maria ng Better Care Pain Manage­ment Clinic ang nakatu­long sa amin nang makaranas kami noon ng matinding pana­nakit ng ulo. Isang clinical myothe­rapist si Rey at nag-aral siya ng myotherapy sa nag-iisang myothe­rapy institution sa Australia.


Si Rey ang nagpaliwanag sa amin na nakapagdudulot ng matinding sakit ng ulo ang mga nerves natin na naiipit ng mga muscle.


Sina Lolit Solis, Bebe Gandanghari at ang TAPE producer na si Mr. Tony Tuviera ang ilan sa mga makapagpapatunay sa ginhawa na dulot ng myotherapy. Walang mawawala kay Regine o sa ibang migraine patients kung susubukan nila ang myotherapy.

Court indicts actor John Lloyd Cruz over failure to honor BIR-issued subpoena

The Office of the Quezon City Prosecutor has endorsed the filing of a tax-related case against award-winning dramatic actor John Lloyd Cruz.

Cruz allegedly failed to appear before the Bureau of Internal Revenue (BIR) on June 15, 2007, when he was ordered by the court through an issued subpoena to turn over his accounting records and other account documents.

A second request appearance was then scheduled on July 10, 2007 at the tax bureau's Chief of Legal Division office but the actor once again ignored the court order.

John Lloyd's no-show apparently prompted the filing of the case. "His failure to appear and bring the records as demanded by the subpoena consummated the offense charged," the resolution signed by 2nd Assistant City Prosecutor Rogelio Velasco stated.

The National Internal Revenue Code of the Philippines, otherwise known as the Tax Reform Act of 1997, Sections 5 and 14 states the right of the commissioner to "examine any book, paper, record, or other data which may be relevant or material to such inquiry."

It also mentions the power of the tax bureau to "administer oaths and take testimony" from subjects and individuals under question or investigation.

NOT TAX EVASION CASE. John Lloy'd legal counsel, Atty. Marc Perez, clarified that the case filed against the actor is not "tax evasion" as insinuated when the news first came out.

"The case involves an alleged non-compliance with the subpoena issued by the B.I.R-A subpoena which is invalid and for which John Lloyd had no knowledge of," read the e-mail letter sent to PEP (Philippine Entertainment Portal) this afternoon, May 6.

"This case had been previously dismissed by the prosecutor's office only to be surprisingly reversed when B.I.R. filed its Motion For Reconsideration. We are confident this case will be dismissed," the letter added.

Wednesday, May 5, 2010

Double victory for ‘League of Intrigues’

It’s a double celebration for the League of Intrigues, composed of the combined forces of undisputed showbiz authority, "Startalk TX" and the "Intriga Capital of the Philippines," "Showbiz Central," as both shows captured high ratings and got abundant praises from viewers.

Based on the data of AGB Nielsen, among viewer-rich Mega Manila households last April 24 and 25, "Startalk TX" totally outclassed its competitor with an average audience share of 11.2%, 4.3% higher than competing showbiz talk show’s 7%. "Showbiz Central" also secured victory with a 9.1% rating while its competitor had an 8.6% audience share.

For 14 years, "Startalk" has remained at the top of its game, going from strength to strength through fearless delivery of the latest entertainment news and by offering an engaging format that features the talk show hosts at their best.

Audiences admire how entertainment editor Ricky Lo could bring them exclusive interviews of both top and international celebrities. They appreciate how film critic Butch Francisco can be in two places at once just to give viewers a raw picture of the paths taken by a showbiz personality involved in the controversies of the week. Entertainment guru Joey De Leon – who always has everyone laughing with his jokes, especially those thrown at co host Lolit Solis – combines his signature humor with his intelligent analysis of showbiz issues. And then, of course, there is top showbiz manager Lolit Solis, the only woman in the formidable "Startalk" team who never fails to shock with her off-the-cuff comments. Ricky, Butch, Joey and Lolit – the "Fab Four," all successful in their respective fields who have access to the inner workings of showbiz. Small wonder then that when they talk, people listen.

Now that "Startalk" leveled up to "Startalk TX," the Fab Four and the rest of the team are three times (TX) more aggressive at getting the hottest news, three times more engaging and three times more fun.

At "Showbiz Central," viewers can now do the talking. The segment "Opinion Central" just got bigger and better as it officially names the viewers as the "other host" of the show. This means that audiences can participate, react and enjoy "Showbiz Central" in real time – live and online! Viewer reaction is nothing short of ecstatic. In fact, thousands of messages comprised of raging opinions, unheard-of scoops, and hard-hitting questions flooded the show.

This genuine interactive experience coupled with the wild and upbeat segments hosted by the sweet intrigera John Lapus, the "Eat! Bulaga" muse and "ChikaMinute" anchor Pia Guanio, the ever-controversial sexy star Rufa Mae Quinto, the insightful host and party scene insider Raymond Gutierrez, and the clever but no less controversial radio jock, Mo Twister, all make "Showbiz Central" audiences’ favorite tambayan for unguarded showbiz discussions.

The "League of Intrigues" – "Startalk TX" and "Showbiz Central" –will also make it possible for hosts of both shows to crossover as guest hosts, doubling the excitement, the credibility and the fun!

The League of Intrigues wows audiences every weekend afternoons–"Startalk TX" on Saturday, after "Eat! Bulaga" and "Showbiz Central" on Sunday, after "Dear Friend."

New faces, new foes

As they face new foes and gear up for new challenges, the "Panday Kids" strengthen their defenses and alliances against the growing menace of Lizardo.

"Panday Kids" Hadji (Julian Trono), Charlie (Sabrina Man) and Oliver (Buboy Villar) crossed the threshold of the enchanting world of elves. Makoy finally met his long-lost mother Ester (Angelica dela Cruz) but their emotional reunion was cut short when Diego (Gerard Pizarras), the leader of the dark elves, captured them.

But the Panday Kids, who accumulated more powers, use their weapons and superhero skills against Diego and his followers.

Meanwhile, Aureus (Paolo Avelino) professes his love for Sarah (Jackie Rice). Mr. Luna (Tirso Cruz III) continues negotiating with his boss, whose identity is still unknown, behind closed doors.

And to make the show more appealing to the televiewers, "Panday Kids" introduces new characters to the TV series. Angelica dela Cruz plays the role of Ester, Makoy’s mother; Gerard Pizarras as Diego, the leader of the dark elves; and Princess Snell as Luningning, Ester’s friend who secretly protects Makoy.

"Panday Kids" airs weeknights right after "24 Oras" on GMA.

Ai,Ai and Robin team up in up coming movie

AFTER pairing with local cinema's top leading ladies, like Sharon Cuneta, Regine Velasquez, Judy Ann Santos and Claudine Barretto, Robin Padilla teams up for the first time with Ai Ai delas Alas. This fresh combination will make the big screen come alive with rollicking comedy and edge-of-your-seat action in Viva Films' first offering for the year, Ikaw Pa Rin.

From the story and screenplay of the award-winning Mel Mendoza-del Rosario, Ikaw Pa Rin tells the story of veterinarian Baby Holmes (Ai Ai) who bumps into a simple fireman's son named Boy (Robin).

Ai Ai and Robin are excited over their newest project. At the movie's first shooting day, the two stars said they can't wait to see how their chemistry will work and are praying moviegoers will accept them as a fresh combination.

In the movie, Ai Ai's character considers herself a loser in love, since her ex-boyfriend proved to be a cad, after only her free services to his and his family's pets.

Boy is just as unlucky. His former girlfriend, mother of his son, left him for a foreigner.

He is now a single father worried over how his son will turn out since he seems to be absorbing his grandmother's feminine traits and his aunt's dishonesty. But the community looks up to him since Boy always comes to his neighbors' rescue in big and small things like rescuing a pet cat from a tree, saving a young drug dependent, etc. Love is the least of his worries.

But this is not so in Baby's case. She feels her biological clock ticking and becomes desperate.

The two cross paths in a restaurant when Baby saves Boy's son from an incident of choking. Grateful, Boy tells her to ask anything from him. Baby demurs, saying it's just part of her job as a doctor.

Things change when they meet again in a town fiesta. This time, Baby tells Boy ?" in full hearing of the townsfolk ?" what her one request of him is. She wants to have a child to complete her womanhood.

Boy thinks he's joking, but Baby is dead serious. Knowing that he promised to grant her wish after she saved his son's life, will Boy agree? Will this lead to something much deeper between them? What about Boy's son? How will he react?

Find out in this heartwarming movie that will make laughter come your way soon.

Ogie Alcasid wants to strengthen OPM

Desidido si Ogie Alcasid na muling pasiglahin ang musikang Pilipino dito sa ating bansa. Gusto niyang simulan ito sa pamamagitan ng pagpapalakas sa Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit (OPM), isang samahan ng mga local singers at performers.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ogie tungkol sa naturang isyu sa candidacy presscon ni Akbayan Representative Risa Hontiveros na kumakandidatong senador sa May 10 elections. Ginanap ang presscon kahapon, May 5, sa Annabel's restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

"Nagtitipun-tipon kami ngayon, we are already organizing ourselves in OPM and forming ourselves to be the new OPM. We will have a general assembly on June 15. Tentative pa po 'yan ha, pero yun ang napag-usapan namin. So, magkakaroon kami ng eleksiyon, ng bagong eleksiyon of the new set of officers. At lahat po ito ay ipinaalam ko siyempre sa current president na si Mitch Valdes at sa lahat ng bumubuo ng OPM ngayon," pahayag ni Ogie.

PROBLEM OF THE MUSIC INDUSTRY. Ramdam daw ni Ogie ang malaking problema sa music industry sa bansa ngayon.

"Talagang malaki ang problema sa music industry ngayon," sabi niya. "Napakahina ng benta natin because of piracy. Why is it sa United States sina Lady Gaga and all, these people despite piracy, e, bumebenta pa rin? Bakit hindi mangyari 'yan dito? Bakit kailangan ang mga katulad ko ay kumanta pa rin ng revival para lang bumenta ang album?

"I think there are too many talented singers and songwriters in this country that need to be heard, that need for their products to be exposed dahil ang dami talagang magagaling."

Nagsimula raw ang adhikaing ito ni Ogie nang mag-organisa siya, along with friends and colleagues from the industry, ng isang fundraising concert titled Kaya Natin 'To para bigyan ng financial assistance ang mga naging biktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng noong isang taon.

Ano ba ang iba pang plano nilang gawin para sa OPM?

"As of now, nag-uusap-usap pa lang kami. Pinapakinggan ko yung sinasabi ng mga mas nakakabata kasi mas alam nila yung mga issues, lalo na yung mga members ng bands na, kumbaga, dinaanan nila lahat ng hirap. At ngayon, nararamdaman nila yung mga problema ng current music industry. So yun, nag-uusap-usap pa rin kami," lahad niya.

INTRODUCING OPM TO YOUNG SINGERS. Isa raw sa gustong gawin ni Ogie ay ang reintroduction ng OPM sa mga batang mang-aawit ngayon na tila hindi aware sa samahang ito.

"We entice them to join OPM. Kasi when I tell them, 'Guys, please join OPM.' Sasabihin nila, 'Ano po yung OPM?' I didn't realize na a lot of younger generation of singers and performers didn't know what OPM was. So, I have to reintroduce it to them. I have dialogues with them. Marami nang nagbago, e. E, 1986 pa yata ang OPM, 2010 na ngayon, marami nang nagbago sa situation ng music industry. Siguro may mga kailangang baguhing konti. But of course, this has to be decided upon by the body."

Aminado naman si Ogie na ang usapin ng muling pagpapasigla sa musikang Pilipino ay gusto niyang ilambing kay Rep. Risa Hontiveros lalo na kung ito ay maihalal na Senador.

"Ito kasing si Senator, e, isa rin siyang artist. At narinig ko nga na isinusulong niya...marami siyang isinusulong na panukala for the movie industry. E, kasama naman ng music industry ang movie industry, the whole entertainment industry I'm sure bibigyan niya ng halaga. I'm sure naiintindihan niya na kultura natin actually ang at stake diyan.

"Hindi lang naman yung entertainment industry as a business or as an industry. Kultura natin yan e. It defines us as a nation, yung mga awitin natin, yung mga sayaw natin, yung mga movies natin, yung mga shows natin. Pag hindi natin binigyan ng halaga 'yan, hindi natin binigyan ng pagkakataon na mag-thrive, mag-flourish... Di ba, ngayon ang daming nakikilala abroad? Sina Charice Pempengco, Arnel [Pineda] ng Journey...

"Totoong napakagaling ng mga Pilipino. So, sayang naman dahil marami pang mga Arnel, marami pang mga Charice sa Pilipinas. Kung wala ang YouTube, hindi naman nakikilala sila. So, dapat bigyan natin sila ng proteksyon at bigyan natin sila ng pagpapahalaga dahil mga artists natin sila. Dapat maging mahalaga sa mga Pilipino yung mga artists," saad ni Ogie.

Monday, May 3, 2010

Chris Tiu dating Daiana Menezes?

How true are rumors that Chris Tiu is dating Daiana Menezes? Rumors have it that local basketball superstar Chris Tiu, who rose to fame after leading the Ateneo Blue Eagles to victory, is currently dating Brazilian model turned TV actress Daiana Menezes.

Several sources say that Chris Tiu and Daiana Menezes are currently dating. A scoop said that Chris and Diaana were spotted together several times.

One source avers that Chris and Daiana and often seen in gimmick places together.

Chris is still playing pro basketball while doing some hosting stints on GMA-7. Daiana, on the other hand, is part of Eat Bulaga and co-stars with Vic Sotto in a show on TV5.

Zanjoe Marudo admits that he’s attracted to Cristine Reyes

When ABS-CBN.com visited the set of the Kristine series at Mahogany Market in Tagaytay last April 28, the chemistry between Zanjoe Marudo and Cristine Reyes was definitely noticeable. They were shooting a riot scene wherein Zanjoe will save Cristine. They would get really get close to each other even off cam. Asked if it’s possible for him to develop romantic feelings towards a co-star, the actor didn’t deny that it happens even to the best of people. “Siguro naman, lalo na kung matagal kayong magkasama. Tao lang naman tayo hindi natin masasabi ‘yan ‘di ba? Siyempre naa-attract ka sa tao kapag nakakasama mo at nakikita mo palagi,” he began.

But Zanjoe stressed that he is nothing but professional and respectful when it comes to working with his newest leading lady. “Katulad ng sinasabi ng ibang artista, sino ba naman ang hindi magkakagusto kay Cristine? Sa sandaling magkakasama kami, siyempre nakikilala mo yung tao, naiintriga ka sa kanya, gusto mo siya maging ka-close kasi kami yung magka-love team e. So dapat okay yung working relationship namin. Siguro trabaho muna para mas mag-focus kami sa character namin tsaka sa love team namin.”

As a matter of fact, they have been so immersed in their work that they have barely time to bond except during lunch and dinner breaks. “Kung may higaan sa balikat? Wala, mataas yung balikat ko e. Hahaha! Hindi ano, sabay-sabay kaming kumakain o kaya sa standby area habang naghihintay ng eksena, habang nagse-set up, minsan nagkukwentuhan. E si Cristine tahimik na tao. Kung tahimik ako mas tahimik siya.” What he likes the most about her, though, is that she’s very easy to work with. “Wala siyang kaarte-arte kahit anong eksena namin at kahit anong ipagawa sa kanya. As in wala akong masabi. Parang mas maarte pa nga ako kung tutuusin, kasi laki ako sa aircon eh,” he joked.

But even though he admires Cristine’s beauty inside and out, Zanjoe maintained that there’s no reason for his girlfriend Mariel Rodriguez to be jealous of his lovely co-star. “Hindi naman siya magseselos kasi trabaho ito e, alam niya yun. Tsaka very supportive naman siya. Number one fan ko yun e.”

In the meantime, Zanjoe can’t wait for the Kristine series to be launched on ABS-CBN, saying that the cast and the staff of the show have really worked hand in hand to make it the best Precious Hearts Romances TV adaptation. “Parang wala kang itatapon dito e. Halos lahat malalaking eksena, halos lahat magaganda. Wala pa akong nagagawa na kahit simpleng eksena lang na usap lang or ano. Kaya nga kahit ako excited. Bale itong kinunan namin ngayon, ito yung isa sa mga unang scenes na makikita yung character ko na si Bernard de Silva. Maganda yung twists ng storya kaya sana abangan talaga ito ng mga Kapamilya viewers natin,” he stressed.

Bea Alonzo is not bothered about being second choice for ‘Magkaribal’

It does not bother Bea Alonzo that she was only the second choice for the role in the upcoming soap opera Magkaribal, where she stars opposite Gretchen Barretto and Derek Ramsay. Bea did not hesitate to accept it after Claudine Barretto, who was first offered the role, transferred networks. “For me kahit na 50th choice ka, if it was offered to you, okay ‘yun sa akin,” explained Bea. “It’s not an issue for me kung second choice ganyan, no, not at all.”

However, she would rather stay out of the controversies that involve Gretchen and Claudine, who are both her friends. “I’m not in the position to talk and to judge, so I would rather stay silent,” she reasoned.

Aside from the teleserye, Bea will also soon start shooting for the family movie, Sa ‘Yo Lamang, which also stars Lorna Tolentino, Christopher de Leon, Erich Gonzales, and Enchong Dee. She said that she is already bracing herself because the two projects are expected to overlap production schedules.

Bea said that she is not new to overlapping schedules, which she used to do when she was younger. The bigger challenge for her is to switch from one character to another. She recalled that when she did a movie with John Lloyd Cruz, her managers at Star Magic decided for her to just focus on the movie which led to a more effective portrayal. “Mas na-enjoy ko siya (her character), mas na-own ko ‘to,” Bea shared. Having seen the difference, Bea requested not have any other project when she did her first solo movie, And I Love You So (2009), which earned her impressive reviews. “So talagang iba ‘yung effort na naibibigay mo kasi alam nila na nanggagaling (mismo sa characters ‘yung emotions),” she explained.

With Sa ‘Yo Lamang and Magkaribal, Bea may be back to shuttling between two projects but the actress is just grateful for the work. “Kesa sa magreklamo ka nang magreklamo dyan ‘yun naman ang positive side of it, you have a lot of work.”

Bea resolved to do her best and perform better this time. “Maybe what I’ll do is to play music sa car pa lang that would remind me of the character where I left it. ‘Yung mga ganon, ‘yung mga simple things na hindi naman magagawan ng paraan ng director para sa ‘yo na ikaw na ang gagawa para sa sarili mo.”

7 films picked for Cinema One tilt

Seven movies, four of which will be directed by first-time full-length filmmakers, have been chosen as finalists of the 2010 Cinema One Originals, which will be held on the second week of November.

This year’s festival lineup comprises “Ang Damgo ni Eleuteria Kirschbaum” by directors Remton Siega Zuasola and Bambi Beltran; “Astro Mayabang” by JP Laxamana; “Third World Happy,” EJ Salcedo; “Dagim,” Joaquin Valdes; “Ishmael,” Richard Somes; “Tsardyer,” Sig Sanchez; and “Layang Bilanggo,” Michael Angelo Dagnalan.

An eight-member selection committee chose from a total of over a hundred entries this year, said Cinema One channel head Ronald Arguelles, also a committee member.

Also part of the selection team is Teddy Co of the National Center for Culture and the Arts; Jinky Laurel, writer of “Last Supper No. 3;” Raymond Diamzon, ABS-CBN creative writer; Chits Jimenez, film producer; Michael Vergara, MYX creative promo head; and Cinema One staff members Kathleen Pador and Richmond Garcia.

“Zuasola, Valdes, Salcedo and Laxamana will all be directing their first feature films this year,” Arguelles told Inquirer Entertainment. “We abandoned the idea of having a film fest theme a long time ago in order to accommodate new works from our filmmakers. In terms of content and genre, this year’s lineup is very varied. This was how the selection committee decided on the finalists.”

Arguelles also reported that the word “digital” has been deleted in the event name. “This was because we also feature titles in the film format,” he explained. Cinema One Originals has produced award-winning works such as “Confessional,” “Huling Balyan ng Buhi, “Rome & Juliet,” “Tambolista,” among others.

Preggy Judy Ann Santos takes a vacation in the U.S. with hubby Ryan Agoncillo and their daughter Yohan

Natuloy na rin ang matagal nang pinaplano na pagbibiyahe ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kasama ang kanilang anak na si Yohan papuntang U.S. Umalis sila sa bansa last Saturday night, May 1. This will also serve as their much-needed vacation and second honeymoon na rin ng mag-asawa.

Naabutan ng Showbiz Central ang mag-asawa sa airport bago sila umalis, pero nakiusap si Ryan na huwag na lang siyang interbyuhin dahil buhat-buhat niya that time si Yohan. So, si Judy Ann na lang ang nagpaunlak na magpa-interview.

"Wala, magpapahinga lang, magbabakasyon lang for a while. Tapos, balik din kasi may mga trabaho pang na-pending, e," sabi ni Juday tungkol sa kanilang pagbabakasyon.

Totoo bang magsa-shopping spree din sila para sa mga gamit ng kanilang baby?

"Bahala na. Kasi hindi pa rin naman namin alam ang gender. We'll play it by ear kung kakayanin na ba naming bumili," sagot ng young superstar.

Hindi rin mapagsidlan ang tuwa ni Juday dahil for the first time ay makakasama nila si Yohan for their first out-of-the-country trip.

"Yes, first time. Medyo bumababa na ang excitement ni bagets. Hindi muna namin sinasabi sa kanya ang mga gagawin kasi baka mag-expect si bagets, kawawa naman," sabi ni Juday.

Ang biyahe raw nilang yun ay bahagi na rin ng kanilang 1st wedding anniversary na ipinagdiwang nila noong April 28.

"May formal dinner lang sa bahay with our family. Parang Mother's day na rin. Family lang and mommies namin, brothers, para lang celebration," banggit ni Juday.

Pinabulaanan din ni Juday ang balitang kesyo nagkakaroon ng complication ang kanyang pagbubuntis.

"Okey naman, very healthy. The baby is okay," pagtitiyak niya. "May clearance ako ng OB Gyne na okay, I can leave the country. Pinag-bed rest muna talaga ako ng one week nga. Para bago sumakay, mag-long flight, nag-rest muna."

Bago umalis at sumakay ng eroplano, nag-iwan muna si Juday ng pasasalamat sa mga fans na sumusuporta sa kanilang pamilya.

Aniya, "Sa lahat po ng nag-alala, okey na po ako. Wala po kayong dapat ipag-alala."

Sunday, May 2, 2010

Mark Herras, nagre-rebelde na sa pamilya?!

ISA SA ISYUNG napag-usapan namin sa Startalk nu’ng Sabado ay itong kay Mark Herras na naiimpluwensyahan na raw ni Nadia Montenegro dahil sa sobrang closeness nila, napapalayo na ito sa pamilya niya.
May nakarating ngang kuwento sa amin na nu’ng sumama raw si Mark kina Nadia, pag-uwi raw nito kinausap na raw ang pamilya niya na gusto na nitong hawakan ang pera niya dahil nasa tamang edad na siya.
Ang dating sa Daddy Jun ni Mark, parang si Nadia ang nag-impluwensya kay Mark na siya na ang hahawak ng mga kinikita niya at mag-aayos ng finances niya.
Ang ikinasama pa raw nila ng loob ng pamilya ni Mark, madalas na ito sa bahay nina Nadia, dahil siyempre nandu’n ang girlfriend na si Ynna Asistio at noon pa man ay close na talaga ‘yan sa kanila at close na close kay Nadia iyan.
Kaya lang, hindi na yata maganda ang dating nito sa pamilya ni Mark kaya may mga naglabasang isyung bad influence na raw si Nadia kay Mark.
Sinagot naman ni Mark ang intrigang ito dahil mga two years ago pa raw gusto niyang siya na ang maghahawak ng pera niya. Dahil pati nga ATM wala siya. Since 23 na rin naman siya, tingin nga naman niya dapat na siya na ang humawak ng mga kinikita niya para maging responsable naman daw siya sa buhay.
Nilinaw rin ni Nadia ang isyung ito at maluha-luha nga itong nagsalita sa Startalk na hindi makaaapekto sa magandang samahan nila ni Mark ang intrigang ito.
Malinaw ring nagpahayag si Nadia na hindi niya inilalayo si Mark sa pamilya niya, dahil ang isa nga raw sa nagustuhan niya kay Mark ay ang pagiging malapit nito sa pamilya niya.
In fairness naman, mahal na mahal ni Mark ang pamilya niya at siguro tama na ring siya na ang humawak ng pera niya para matuto naman siya sa buhay. Hindi naman siguro ikasasama ng loob ito ng pamilya niya lalo na si Daddy Jun.
Sumulat na raw si Nadia sa Tito Hermie ni Mark para magpaliwanag dahil tingin naman daw nito, okay sila dahil pumupunta rin nga raw sina Tito Hermie niya at mga pinsan sa bahay nila, at nagba-bonding sila roon.
Ang sa akin lang, tama ngang hayaan na natin si Mark na ang magpatakbo ng buhay niya at humawak ng pera niya dahil kailan pa niya ito matututunan, eh, 23 na nga naman siya.
Nakikita ko namang mas matino na siya ngayon kaya hindi naman siguro masama ang iniimpluwensya ni Nadia sa kanya.

Ruffa Gutierrez, ‘di pa nakamu-move on sa past nila ni John Lloyd Cruz?!

LAST SUNDAY, LAGI raw uma-appear ang litrato ni John Lloyd Cruz sa mga nakapaligid na monitor sa studio ng Paparazzi sa TV5.
‘Yon siguro ang dahilan kung bakit medyo naiilang si Ruffa Guttierez kahapon, off-camera.
Hindi nga nagkamali ang mga observers dahil may nakarinig sa dialogue ni Ruffing tungkol du’n.
“Bakit ba puro na lang si Lloydie ang lumalabas sa monitors natin, my Gosh! Wala na bang iba?
“Bakit hindi si Dingdong Dantes? O kaya, e, si Richard Gutierrez? Siya na lang ba ang natitirang actor natin? Hello,” ang words to that effect na say ni Ruffing sa isang production assistant.
Ang reaksiyon namin? Bwahahaha!!!
Up to now, affected pa rin si Ruffa? Hindi pa ba siya nakaka-move on kay Papa JLC?
Sa ganda at pagka-hot ni Ruffing, dapat deadma na siya du’n dahil siguradong marami ang umaaligid sa kanya ngayon. Sa true lang!

Cesar Montano still suffering from his son's death

Pagkatapos mailibing ng yumaong anak na si Angelo Manhilot, tanging isang phone patch interview lamang sa The Buzz ang pinagbigyan ni Cesar Montano para maipahayag ang kanyang saloobin. Makalipas ang mahigit isang buwan ng pagluluksa, kahapon, May 2, ipinalabas sa The Buzz ang taped interview ni Boy Abunda kay Cesar.

Dumayo pa si Boy sa home province ni Cesar sa Tagbilaran City, Bohol para lamang ma-interview ang aktor sa bahay nito doon tungkol sa kontrobersiyal na pagpapakamatay ng anak noong March 26, gayundin para malaman kung paano hinaharap ni Cesar ang kanyang buhay.

Kaaagad kinumusta ni Boy si Cesar.

"Sa totoo lang Kuya Boy, napakahirap. Hindi lang alam ng mga tao na napakahirap sa akin. Hirap na hirap ako. Kaya lang siguro sabi ko, 'Kaya ko 'yan.' Kaya kong i-act out, fighting it out na hindi nila mahahalata na I'm suffering inside. Katulad dito, pagdating na pagdating ng kotse ko, tatawagin ko agad si Angelo. 'Angelo, pakikuha nga yung ganito.' Angelo, lika nood tayong TV may dala akong bagong DVD.' Sa Bellisimo [restaurant ni Cesar] darating ako, 'Angelo, luto mo nga ako ng ganito.' Kasi itatanong niya agad sa akin, 'Daddy, ano [masarap]?' Ipagyayabang nun sa akin, 'Akong nagluto niyan.' Laging meron akong nasa dulo ng dila ko laging Angelo, Angelo na pangalan. Nakakatulong yung campaign because nadi-divide yung...nadi-distract ako. But, nagpupumiglas yung dibdib ko na I want to be alone," saad ni Cesar.

Bakit niya gustong mapag-isa?

"Probably I wanted to talk to him... I wanted to talk a lot of things with him. Marami ako ng gustong...na-miss tuloy na...alam mo dun lang yun, e. Gusto kong sisihin yung sarili ko. But it's stupid to do. Sisihin kung sino, but it's stupid to do. I wanted to discuss a lot of things. Bakit? I want to be alone, yung ganun lang. Gusto ko siyang kausapin."

How is he coping sa gitna ng eleksiyon, sa gitna ng gulo? Pano niya kinakaya at paano niya ipinagpapatuloy ang buhay?

"Through prayers. Ako, hindi ko rin alam. I cannot explain it. Ako kapit lang ako. Kaya ang nakakatuwa, maraming nagte-text sa akin. 'Please go on. Laban pa rin tayo. Tuloy pa rin tayo.' Gusto kong sabihin sa kanila. 'How?' Di ba? Papaano, papaano ko gagawin?"

ANGELO'S GIRLFRIEND. Hinarap din ni Buboy (palayaw ni Cesar) ang matinding kontrobersiyang lumabas tungkol sa pagkamatay ni Angelo. Ang pakikipaghiwalay daw ng girlfriend nito sa kanya ang naging dahilan ng pagpapakamatay nito.

Kinausap niya ba ang girlfriend ni Angelo?

"Yeah, I did," sabi ni Cesar.

How was that conversation?

"Ako pinakinggan ko lang siya. I listened to her. Alam ko kahit na anong gawin ko, kahit anong sabihin ko, hindi na maibabalik ang buhay ni Angelo. Nakinig na lang ako sa kanya."

Did she apologize?

"Yes, she did. Oo, humingi siya ng tawad," sagot ni Cesar. "And I think as a father, that's enough for me to hear na nag-apologize siya. Kakalimutan ko na yun. Ako, I think we're not here to point fingers to anybody, to blame anybody. Wala na, wala na. Hindi na.

"Ako kasi, ang tingin ko naman sa buhay ng tao, kahit na 90 years old yung mawawala sa iyo, ayaw mo pa ring mawala, e. Lahat naman tayo mawawala any time kahit na hindi natin gusto, e. Ayaw naman talaga nating mawala, e. But, ako, I want him to think na, 'Masyadong maaga Angelo, huwag muna.' I wanted to say that."

Pinuri naman ni Boy ang kababaang-loob at katapangan ni Cesar na harapin ang girlfriend ni Angelo at ang pamilya nito nang dumalaw sa burol. Hinayaan at pinayagan din ng pamilya niya ito.

"Ako naman, ang tingin ko dun, Kuya Boy, is since na pumunta sila doon sa wake, going to a certain way, it's paying respect also. It's just fair to respond accordingly, bigyan sila ng time. Hindi naman sila nandodoon para makipag-away at manggulo. Gusto lang nilang umiyak sa anak ko at makiramay. So, ibigay natin sa kanila yun."

MOST IMPORTANT LESSON. Wala bang pagkakataon na kinuwestiyon niya ang Diyos?

"I did, pero may answer kaagad. Ganun naman. Unang-una, bakit mo maagang kukunin? Sagot agad ng Diyos sa akin, 'Bakit, pahiram ko lang naman sa iyo si Angelo, e. Hindi mo naman pag-aari si Angelo. Ako ang nagbigay sa iyo kay Angelo at a certain time, at a perfect time. Kukunin ko rin 'yan.'"

Cristine Reyes speaks up about rumor that she caused the alleged breakup of Rayver Cruz and Sarah Geronino

Ayaw maapektuhan ni Cristine Reyes ang kanyang trabaho dahil sa biglang pagka-link niya kay Rayver Cruz. Kailan lang kasi ay nabalitang si Cristine ang naging dahilan kung bakit nabalitang naghiwalay na sina Rayver at Sarah Geronimo.

Ayon sa report na lumabas, isang taon daw naging mag-on sina Rayver at Sarah, pero itinanggi ito pareho ng dalawa. Itinanggi rin ng dalawang young stars na naging mag-on sila.

Ayon kay Cristine, nagulat siya nang ma-involve siya sa kontrobersiya ng dalawa. Tahimik lang daw siyang nagtatrabaho, pero bigla na naman daw siyang idinawit sa bagong intriga.

"Lahat na lang ba ili-link sa akin?" tawa ng 21-year-old sexy actress. "Sa totoo lang, nagtatrabaho ako nang maayos. Ayoko nga munang ma-involve sa kahit anong usapan tungkol sa love, di ba? Pero biglang heto na naman. Naguguluhan din ako sa nangyayari."

Inamin naman ni Cristine sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na kilala niya si Rayver dahil minsan na silang nagkatrabaho nang mag-guest siya sa ASAP. Pero wala naman daw silang constant communication.

IT ALL BEGAN IN BORACAY. Nagsimula raw ang tsismis between Cristine and Rayver noong mag-show ang ASAP sa Boracay. Nakita raw silang magkasama roon at tila nagbabantayan daw silang dalawa. Ano ang masasabi ni Cristine dito?

"Alam n'yo, hindi lang naman ako ang nandoon sa ASAP in Boracay. Ang dami kaya naming nandoon! Tsaka yung sinasabi nila na nagbantay daw ako kay Rayver noong rehearsal niya, hindi naman totoo 'yon.

"Magkasama kasi kami sa isang production number. Hindi kami pinapaalis hanggang hindi kami nakakapag-rehearse lahat. Minsan nga lang ako mag-guest sa ASAP, ganito pa ang nangyari! Tsaka hindi rin nagbabantay si Rayver sa akin. Bakit naman niya gagawin 'yon? Hindi naman ako ang girlfriend niya, di ba?

"Magkakilala kami ni Rayver," patuloy ni Cristine. "Hanggang doon lang. Kapag nagkikita kami sa studio sa ABS-CBN, nagbabatian naman kami. Walang kung anu-ano pang chikahan na nagaganap sa amin."

NOT CLOSING HER DOORS. Pero hindi naman daw isinasara ni Cristine ang kanyang pintuan kung sakaling ligawan siya ni Rayver.

"I see nothing wrong naman. Kung available naman ako at kung available din si Rayver, walang masama kung manligaw siya. Yun naman ang tama, di ba? Para walang problema at walang mga taong nasasaktan. Ako naman, I want to make sure din na hindi ako lalabas na kontrabida o masama.

"Pero hindi ang magkarelasyon ang priority ko ngayon. Pagod na ako sa pakikipagrelasyon kasi kaya trabaho muna. Gusto ko munang ma-enjoy ang buhay na walang boyfriend. Enjoy ako sa work ko ngayon," sabi niya.

ON SARAH GERONIMO. Tungkol naman kay Sarah, sinabi ni Cristine na magkakilala rin sila ng Pop Princess dahil iisa lang ang management nila (Viva Artist Agency). Wala naman daw silang problema ni Sarah at kailan lang daw ay nagkasama sila sa isang project.

Kuwento niya, "Nagkasama kami ni Sarah noong mag-shoot kami ng 'Lupang Hinirang' ng ABS-CBN. Nasa likod ko nga siya. Noong magkita kami sa set, nagbatian kami at nagbesohan pa kami. Pati mommy at daddy niya, binati ko.

"Wala naman kaming problema ni Sarah. Feeling ko naman ay hindi siya apektado sa balita. Kasi kung may problema, sana umiwas na siya sa akin, di ba? At hindi ako haharapin ng parents niya. Pero okey naman sila sa akin. Okey ang pagtanggap nila sa pagbati ko kaya wala ngang problema."

Magiging handa ba si Cristine kung sakaling kausapin siya ni Sarah tungkol nga kay Rayver?

"Oo naman," mabilis na sagot ni Cristine. "If ever na mangyari 'yon, kaya ko naman siyang kausapin. Kahit na nandiyan pa si Rayver. It means lang na wala akong masamang ginagawa kay Sarah o kahit kanino man.

"Ako naman, kilala ninyo na hinaharap ko ang anumang problema, lalo na kung involved ako. Ayoko rin kasing nalalagay sa alanganin. Gusto ko kapag may sama ka ng loob sa akin, sabihin mo kung ano ang problema ko at ayusin natin.

"Mahirap kasi yung galit ka pala na hindi ko alam. Hindi kasi ako plastic na tao, e. Ako kasi kapag may ayaw ako sa isang tao, sinasabi ko kaagad para may chance na maayos namin. Kaya kung may sasabihin man sa akin si Sarah, I am here to listen to her," sabi niya.

KC walang hilig sa lalaki

Photo is loading...

Ever since mag­dalaga si KC Con­cepcion ay never itong pinaghigpitan ng kan­yang inang si Sha­ron Cuneta. Kahit takot na takot at may agam-agam nang mag-aral ang anak sa Paris, pumayag pa rin siya sa desisyon nitong mangi­bang bansa para sa kanyang edukasyon. Katuwiran na lamang niya, malaki ang tiwala niya rito at makakaya nitong pangalagaan ang sarili. Pero sa buong panahon ng stay ng anak sa Paris at ang manaka-nakang pag-uwi nito para magbakasyon, never na nawala ang pag-aalala sa anak.

“Hindi naman madaling tanggapin na may anak ka na nag-iisa sa malayo but I have to make sacrifices para na rin magkaroon siya ng ma­gandang edukasyon. Ipinagdarasal ko na lang siya palagi at madalas naman ang communication namin. Ang maganda sa kanya, hindi naman siya ma­gimik, mas gusto niyang nasa bahay siya at nag-aaral lang. Kung lalabas naman siya, she goes out with friends at hindi naman siya yung tipong inuu­maga sa kalsada. Mabait siyang bata, alam niya kung ano ang masama at mabuti para sa kanya.

“Maski na sa mga lalaki, hindi ako nagwo-worry sa kanya. Wala pa sa isip niya ang pag-aasawa. Mas gusto niyang makipagkaibigan. Pero kung mag-aasawa siya, okay lang sa akin. Siya yun eh, bu­hay niya yun. Ako naman ay kung saan niya gusto, kung saan siya masaya, suportado ko siya,” sabi ng very proud mom na tiwalang makakaya ng anak niya na makipagsabayan kina Boy Abun­da at Kris Aquino sa The Buzz.

Bistek at Joy suportado ng Gabriela

Lumabas na ang katotohanan na si mayoralty candidate Herbert Bautista at ang kanyang running mate na si Joy Belmonte ang sinusuportahan ng grupong Gabriela taliwas sa mga unang napaulat na umanib ang grupo sa kalaban. Ayun, madami tuloy ang nagsabi na bakit daw gumagawa ng ganitong mga press releases ang kampo ng kalaban nina Bistek at Joy na di naman pala totoo at pawang kasinungalingan lamang.

Kung sabagay, ganyan naman talaga sa pulitika. Uso na talaga ngayon ang ganitong mga kasinungalingan, masabi lang ng iba na may ganun silang press releases at lumakas ang kanilang mga pangalan sa botante pero eto nga at dinenay ng Gabriela na di nila sinusuportahan ang kalaban ni Bistek dahil 100 percent support sila kina Herbert at Joy.

Pati si Liza Maza na kumakandidato sa pagka-senador ay nagsalita na rin at nagbigay ng kanyang pahayag na si Bistek at Joy ang kanyang manok sa pagka-mayor at bise alkalde ng Quezon City.

Bigating imported singers darating sa bansa

Dahil sa sobrang laki, nakumpara sa blue moon phenomenon ang nalalapit na Then and Now concert sa Mayo 15 sa SM Mall of Asia.

Darating dito mula sa Amerika ang mga bigating singers na sina JoJo, Diana King, Frankie J, Baby Bash, PM Dawn, SWV, All-4-One, TQ, at V-Factory.

Sinabi ng president at chief executive officer ng Divan Media Group na si Janeth Chang na layunin nila na mabigyan ang Filipino audience ng isang kon­si­yerto na minsan lang mangyari.

Tinawag din ang konsiyerto na Massive Music Festival 2010 dahil ito ang klase na hindi basta malilimutan ng makakapanood.

Ang R&B quartet na All-4-One ang nasa likod ng revival ng The Thymes ’63 classic na So Much In Love na siya nilang naging 1994 chart-topping single at cover ng country ditty na I Swear.