PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Thursday, May 6, 2010

Iza, Eugene, Roderick at Coco, wagi sa Golden Screen Awards!

FIRST time best actress winners nina Eugene Domingo at Iza Calzado ang tropeong tinanggap nila sa 7th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society last Wednesday na ginawa sa Teatrino, Greenhills.


Best actress in a comedy or musical ang kategorya ni Eugene para sa pelikulang Kimmy Dora at si Iza naman ay best actress sa drama para sa pelikulang Dukot.


Karay-karay nga ni Iza sa awards night ang kanyang boyfriend na binirong lucky charm ng aktres kaya nanalo siya ng award. Solo flight naman si Uge na dumating na nanghiram ng driver upang makahabol sa awards night. Galing ang komedyana sa taping ng Comedy Bar nila ni Allan K.


First time winner din si Roderick Paulate sa GSA bilang best actor in a comedy or musical para sa pelikulang Dead Na Si Lolo na winner din ng best picture in a comedy or musical. Si Coco Martin naman ang panalo bilang best drama actor para sa pelikulang Kinatay na winner ng best drama picture at nagbigay kay direk Brilliante Mendoza ng best director.


After five years, mu­ling tumanggap ng acting award si Dennis Trillo bilang best supporting actor sa pelikulang Mano Po 6. Si Maria Isabel Lopez naman ang best supporting actress para sa Kinatay at ayon sa dating beauty queen na naging sexy actress, matagal man bago siya naka-graduate sa mga bold films, worth it naman daw ang paghihintay at pagtitiyagang ginawa niya.


Hindi man nakadalo si Governor Vilma Santos para tanggapin ang kanyang Lino Brocka Lifetime Achievement Award, naging representative niya ang bunsong anak na si Ryan Christian Recto upang tanggapin ang award. Bibung-bibo si Ryan sa stage habang nagsasalita! Naku, kung present si Gov. Vilma, tiyak na proud mother ang magiging feeling niya!



No comments: