
Ever since magdalaga si KC Concepcion ay never itong pinaghigpitan ng kanyang inang si Sharon Cuneta. Kahit takot na takot at may agam-agam nang mag-aral ang anak sa Paris, pumayag pa rin siya sa desisyon nitong mangibang bansa para sa kanyang edukasyon. Katuwiran na lamang niya, malaki ang tiwala niya rito at makakaya nitong pangalagaan ang sarili. Pero sa buong panahon ng stay ng anak sa Paris at ang manaka-nakang pag-uwi nito para magbakasyon, never na nawala ang pag-aalala sa anak.
“Hindi naman madaling tanggapin na may anak ka na nag-iisa sa malayo but I have to make sacrifices para na rin magkaroon siya ng magandang edukasyon. Ipinagdarasal ko na lang siya palagi at madalas naman ang communication namin. Ang maganda sa kanya, hindi naman siya magimik, mas gusto niyang nasa bahay siya at nag-aaral lang. Kung lalabas naman siya, she goes out with friends at hindi naman siya yung tipong inuumaga sa kalsada. Mabait siyang bata, alam niya kung ano ang masama at mabuti para sa kanya.
“Maski na sa mga lalaki, hindi ako nagwo-worry sa kanya. Wala pa sa isip niya ang pag-aasawa. Mas gusto niyang makipagkaibigan. Pero kung mag-aasawa siya, okay lang sa akin. Siya yun eh, buhay niya yun. Ako naman ay kung saan niya gusto, kung saan siya masaya, suportado ko siya,” sabi ng very proud mom na tiwalang makakaya ng anak niya na makipagsabayan kina Boy Abunda at Kris Aquino sa The Buzz.
No comments:
Post a Comment