WALA pa rin daw nagiging kapalit sa puso ni Gabriel Valenciano ang ex-girlfriend na si Rachelle Ann Go.
Pero, hindi raw nangangahulugan `yon na hindi pa siya nakaka-move on.
Nag-e-enjoy lang daw siya ngayon sa kanyang buhay. In fact, hindi na rin nakatira si Gab sa bahay ng mga magulang dahil may sarilli na raw siyang place sa Eastwood. Isang reason daw siguro ‘yun kaya siya naiintriga na babaero.
“Siyempre, minsan you get lonely so, I invite friends, kumakain kami, lumalabas and most of them are girls. Ako naman, close naman ako and I can get-along with girls since I studied at a coed school. So, I’m single and when people see me with the company of girls, siguro iniisip agad nila is that I’m playing around.”
Itinanggi ni Gab na ang ipinalit niya kay Rachelle ay ang ex-PBB housemate na si Sam Pinto, kung saan sa Boracay nga raw ay marami ang nakakita ng ka-sweetan nilang dalawa. Bukod kay Sam, una muna siyang naintriga noong kasagsagan ng break-up nila ni Rachelle kay Carmen Soo.
Pero parehong itinanggi ni Gabriel na may something siya sa dalawa.
“They are just my friend. Carmen is a friend as well as with Sam. I cannot deny that they are both beautiful but they are just my friends. Promise. Sasabihin ko naman sa inyo kung talagang meron,” sey pa niya.
Kuwento niya rin, sa paglabas-labas, talking with friends daw ang naging way niya para makapag-move on noon sa nangyari sa kanila ni Rachelle kaya madali siyang naging okey.
Dugtong pa niya, okey rin naman daw sila ni Rachelle, nagkakausap naman daw sila like noong nasa ASAP pa ito. Pero hindi raw nila napag-usapan ang tungkol kay Kean Cipriano na nali-link naman dito.
“We never talked about it but I remember the one time na nag-usap kami was the fact that we told each other na kung saan ka masaya, du’n ka. I mean, hindi naman talaga impossible na hindi kami makakahanap ng someone in the future, ‘di ba? So, that’s what we told about each other.”
Aminado rin si Gab na sa kinahinatnan ng relasyon nila ni Rachelle, mas naging madali sa kanya ngayong isa na itong Kapuso at hindi na sila magkasama sa isang show tulad ng ASAP XV.
And speaking of ASAP XV, may bago silang ni-launch na album, ang Supah2Dance album featuring Gabriel with other ASAP Supah dancers na sina John Prats, Rayver Cruz, Mickey Perez and Kim Chiu.
No comments:
Post a Comment