PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Wednesday, April 28, 2010

Angel, Rica at Pokwang testigo kina Piolo at Sam

ala si Ate Lolit Solis sa Manila Regional Trial Court nang dininig uli ang kasong libelo na isinampa laban sa kanya nina Piolo Pascual at Sam Milby, na present kahapon nang umaga.

Aware si Piolo na wala si Ate Lolit, kaya hindi raw siya nag-expect na magkikita sila ng kontrobersiyal na manager, na nag-claim at siyang sumulat na nakita sila ni Sam sa coffee shop ng Hotel Sofitel nu'ng Oct. 12.

Ipinrisinta kahapon ni Atty. Joji Alonso (legal counsel nina Sam at Piolo) ang sampung witnesses kasabay ng kanilang sinumpaang mga salaysay na nakita nila ang dalawang aktor sa oras na sinasabi ni Ate Lolit na nakita silang magkasama.

Naroon sina Pokwang (na nandu'n daw sa coffee shop bandang 4 p.m. at wala raw siyang napansing nandu'n sina Piolo at Sam);

Si Angel Locsin (na kasama raw si Piolo sa Timex Watch pictorial); si Ate Cristy Fermin (na nakita raw si Piolo na dumaan sa main lobby ng ABS-CBN); at si Rica Peralejo (na nakasama raw si Piolo sa gym bago magtungo sa Timex watch pictorial).

The rest ay road manager ni Piolo, isang UP professor na nag-interpret sa sinulat ni Ate Lolit, at ang hairstylist ni Sam.

Tinanong namin si Piolo. Sabi kasi ni Ate Lolit, patawarin na siya, dahil matanda na siya. Christians pa naman sila ni Sam.

Gusto ba nilang makita ang 60 years old sa kulungan?

“Sino naman ang may gusto ng gano'n, 'di ba? Hindi naman siya makukulong, sabihin lang niya ang totoo. All we need is retraction, and from there, let's see!” sey ni Piolo.

Hanggang kelan kaya ang isyung ito? Mag-1st anniversary kaya ito sa October 12?

* * *

BLIND item: Naku, eh, matagal nang bading ‘yan, ayaw lang umamin at lumantad. Ibina-blind item pa ba 'yan?

'Yan siguro ang sasabihin n'yo sa amin 'pag nalaman n'yo kung sino ang aming tinutukoy.

Eh, ayaw pa ngang maglantad ng lola n'yo. Kasi nga naman, 'pag lumantad siya, hindi rin siya sure kung may trabaho pang naghihintay sa kanya.

Eto na lang bago sa kanya ang itsitsika namin. Alam n'yo bang “bottom” ang tinutukoy naming young tv host-actor? Bottom, as in, “pauring” siya.

Papikit-pikit pa raw ang lola n'yo kapag “ine-enternal examine” siya ng ka-partner.

Naku, 'wag na tayong magtaguan pung, dahil knows n'yo naman kung zino ziya, 'no!

* * *

Hindi namin alam kung paano nakuha ng Kimerald fans ang aming cellphone number.

Wala silang tigil sa kate-text sa amin para sabihing niloko ni Gerald Anderson ang kanilang idolo na si Kim Chiu.

Syota na raw ni Gerald ngayon si Empress Schuck. Gano'n?

Ayaw nina Dino Imperial at Enchong Dee ng ganyan.

No comments: