Kumpara sa reaksyon ni Aljur Abrenica, tila mas apektado si Kris Bernal sa nalalapit na “pagkabuwag “ ng kanilang loveteam, base sa kanyang mga binitiwang salita nang makausap namin siya.
May naghihintay na television project kay Aljur sa sandaling matapos ang airing ng The Last Prince, pero walang nababalitaan na follow-up project si Kris para sa kanya.
“Nakakalungkot dahil three years kaming loveteam. Tingin ko rin naman kasi, kailangan namin na mag-grow. Lahat naman ng mga artist dumaraan sa paghihiwalay. Kami rin ni Aljur, kailangan din namin ‘yon para maka-experience din kami na makatrabaho ng iba at makita nila kung kaya ba namin na mag-isa.
“Sa ngayon sa The Last Prince, si Carl Guevara ang kapareha ko.
Hindi ko alam kung tatagal (ang partnership namin), katulad ng kay Aljur. Marami na nga ang nagagalit na mga Al-Kris supporter.
Bakit daw paghihiwalayin? Nakakabasa rin ako ng mga forum, marami ang naiinis. Ako kasi, nagpo-post din sa mga forum, ini-explain ko sa kanila na kailangan din namin ni Aljur ‘yon.
“Wala pa akong project, after ng The Last Prince. ‘Yun nga ang ikinaka-worry ko, Si Aljur may kasunod na. Paano ako? Ano ang susunod ko?
“Nagulat ako dahil hindi naikuwento sa akin ni Aljur na mag-o-Odessa siya. Sabi ko, ‘Bakit hindi mo ikinukuwento sa akin? Nagagalit ako sa’yo.’
“Ang dahillan ni Aljur sa akin, hindi niya ikinukuwento dahil hindi pa siya sigurado. Kumbaga, narinig lang niya kaya ayaw niya na i-confirm,” ang mahabang kuwento ni Kris.
Ang Odessa ang TV series na pagbibidahan ni Rhian Ramos at ang project na tinutukoy ni Kris na hindi sinabi sa kanya ni Aljur. Si Aljur ang love interest ni Rhian sa Odessa.
No comments:
Post a Comment