PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Friday, April 30, 2010

Ara at Aiko, ‘di natulungan sa kampanya ni Jomari

DIRETSAHANG sinasabi ni Jomari Yllana na hindi lang love life ang wala sa kanya, kundi pati na rin sex life! Ang kawalan daw ng love life at sex life ang rason ng kanyang pagtaba ngayon.


Kuwento ni Jomari, paano raw siya magkaka-love life ngayon, eh nauubos daw ang oras niya sa pagsama sa kampaniya ng kapatid niyang sina Anjo Yllana (tumatakbong vice-mayor sa Parañaque) at Ryan (tumatakbong councilor).


Nahihiya nga si Jomari dahil hindi raw niya mapagbigyan na samahan sa kampaniya ang ex-girlfriend niyang si Ara Mina (tumatakbong councilor sa QC) at ex-wife niyang si Aiko Melendez (tumatakbong vice-mayor sa QC), dahil nga sa abala sa pagtulong sa kanyang dala­wang kapatid.


Pagdating sa career, ang project lang na Five Star Specials ni Ruffa Gutierrez sa TV 5 ang natanggap niya. At sa sob­rang busy raw niya, ni hindi na raw niya matandaan kung nagkaroon sila ng halikan ni Ruffa sa project na `yon.


“May kissing scene ba kami? Ang natatandaan ko ay ‘yung kissing scene namin ni Gretchen (Barretto) sa MMK. Ha! Ha! Ha!” say ni Jomari.


“Ah, wala pala ka­ming kissing scene ni Ruffa. Ang meron lang kami ay ‘yung naked office scene namin. Ako ‘yung bagong boss niya sa kuwento. It’s a light comedy,” dugtong na sabi niya.


Anyway, binalikan ni Jomari ang rason kung bakit matagal na siyang walang love life. Hindi raw kasi siya gumigimik, kaya wala siyang nakikilala.


“Hindi nga ako nagdi-date. Nagtatra­baho na lang ako. Pag pagod ako, umuuwi na lang ako sa bahay at natutulog. Minsan, nila­laro ko ‘yung aso na birthday gift sa akin ng anak kong si Andrei, si Chuwee,”pahayag niya.


Anyway, tungkol naman sa anak nila ni Aiko na si Andrei, nakikita raw niya na susunod ito sa yapak ni Aiko sa pulitika.


“Kasi si Andrei, parang ang type niya mag-model, ‘yung nakikita niya ang sarili sa billboard. Pero ‘yung showbiz parang wala pa. Isinasama siya ni Aiko sa mga rallies, nagsasalita siya sa stage. Sana nga magmana siya sa nanay niya. Gusto ko siyang maging pulitiko. Feeling ko type niya mag-politics kasi nagsasalita siya sa stage, hindi siya nahihiya,” kuwento pa rin ni Jomari.

No comments: