PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Friday, April 30, 2010

Angelica, si Derek na ang gustong pakasalan

BAKLAIN ang des­kripsyon ni John Lapus kay Angelica Panganiban na nakapalitan niya ng puso’t katawan sa pelikulang Here Comes The Bride. Say pa ni John, dinaig pa raw siya ng young actress lalo na sa eksenang “hinahalay” nito ang ex-PBB housemate na si Tom Rodriguez.


“Importante kasi sa role ko na maka-score ako, kaya dapat may booking! Ha! Ha! Ha!” bulalas ni Angelica.


Deklara pa nga ni Angelica, si John talaga ang peg niya nang ma­ging bading na siya sa movie.


Pero teka, hindi ba siya nahirapan sa eksenang `yon na hinahalay niya si Tom?


“Noong una akala ko, madali lang. Pero kung seryosong trabaho na, mahirap pala! Kasi kailangang seryosohin. Totoo na pala kaya may challenge na kasama!” paliwanag ni Angelica.


Pero si Tom, aminadong takut na takot sa eksenang ‘yon na halos hubaran na siya ni Angelica!


“Never ko pa ka­sing ginawa ang bagay na ‘yon kaya takut na takot ako! Mabuti naman at nandiyan sila na tulungan ako. Eh, mabait naman si Angelica, kaya ‘yung experience na ‘yon, na­ging maganda!”

sabi pa ni Tom. Nagpakabading man si Angelica sa mo­vie, gaya ng role niyang ikakasal sa movie, pa­ngarap din ng young actress na mangyari sa kanya ‘yon at si De­rek Ramsay ang wish niyang la­laki na mapakasalan niya. “Hindi pa siya (De­rek) nagpu-propose. Talk show ko sa inyo pag me­ron na. Ha! Ha! Ha!” bading na bading na sey niya.


Willing na siyang pa­kasal? “Naka-stand by, ganoon! Ha! Ha! Ha!” tugon ni Angelica. Ano ang dream niyang wedding? “Hindi pa ako nag-i-imagine! Baka maiyak ako! Kapag nandoon na, saka ko ipapasok sa isip ko,” aniya. Pero napag-usapan na ba nila ni Derek ang kasal? “Minsan, sa lambingan pero hindi pa naman seryosohan,” sagot ng aktres. Pero gusto niyang paka­salan si Derek? “Oo naman!” deklara ni Angelica.

No comments: