PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Saturday, May 22, 2010

Unahin na ni Willie ang kalusugan

Dapat na bang pakawalan ng ABS-CBN si Willie Revillame?

Oo! 89.05 %

Hindi! 10.95 %

Total Votes: 804

Yup, pabor din ang maraming followers ng Philippine Entertainment

Portal (PEP) sa tuluyang paglayas ni Willie Revillame sa Wowowee na kasalukuyang hino-host ngayon ni Robin Padilla.

Actually, majority talaga ng mga televiewers ngayon ay pabor na alagaan na lang ni Willie ang kanyang sarili na sabi niya ay napabayaan niya noong panahong nagta-trabaho siya. Say ng mga televiewers, mas maiging maagapan ang kalusugan ng host.

Kaya mamahinga na lang daw siya sa magagara niyang bahay, mag-drive ng kanyang mga luxury cars, mag-yate at mag-travel gamit ang kanyang private plane o kaya ay magbakasyon sa kanyang isla sa Mindoro tutal naman ay apektado ang kanyang kalusugan sa kanyang trabaho.

Anyway, kahapon ay nag-create ng malakas na trending sa Twitter si Robin sa Wowowee. Ang daming nanood at naaliw sa kanya. Maging ang mga artista raw ngayon ay madali nang kausapin para mag-guest sa nasabing programa dahil mas magaan ang pakiramdam nila kay Robin.

Teka, bakit nga pala nawala na sa eksena si Jobert Sucaldito na siyang dahilan ng hamon niya (WR) sa ABS-CBN?

No comments: