PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Wednesday, May 19, 2010

Dra. Belo at Hayden nasa front row ng Dancing with the Stars

Walang naniniwala sa statement ni Hayden Kho, Jr. na hindi niya alam na susundan siya ni Dra. Vicki Belo sa Amerika.

Mahirap i-deny na hindi nagkita ang dalawa sa Los Angeles dahil nakunan sila ng mga litrato at nakita sila na nanonood sa studio ng Dancing With The Stars.

Hindi na maabot sina Mama Vicki at Hayden dahil nakaupo sila sa front row at katabing-katabi niya ang host na si Tom Bergeron.

Sikat na sikat sa buong mundo ang Dancing With The Stars kaya marami ang nakakita kay Mama Vicki at kay Hayden na enjoy na enjoy sa pano­nood. Knowing Mama Vicki, hindi nito ide-deny na nanood sila ni Hayden ng Dancing With The Stars. Malay natin, baka isa ‘yon sa mga birthday wish ni Hayden na 30 years old na today.

No comments: