PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Monday, May 17, 2010

Anne, inaming may bagong boylet


Sa presscon ng bagong endorsement ni Anne Curtis na Natasha, inamin ng young actress na nagde-date sila ng kapatid ng friend niyang si Solen Heusaff, si Erwan. Actually, matagal nang nali-link sa kanya ang guy na ito pero ayon sa dalaga, as much as possible ay ayaw niya itong pag-usapan dahil hindi naman taga-showbiz.

“Ayoko kasi pag-usapan kasi kawawa naman ’yung tao, nadadamay. Let’s give respect na lang sa kanya at sa family niya.”

Sa ngayon ay nasa dating stage pa lang sila at okay naman daw so far ang kanilang samahan. Ewan kung ikatutuwa ni Sam Milby, inamin din ni Anne na malaki ang chance na maging boyfriend niya si Erwan.

“Meron naman siyang chance sa akin, malaki, of course. You’ll never know. Ayoko pa bigyan ng date or anything. Basta ayoko na lang pag-usapan. Kasi naawa ako sa tao, hindi naman niya business ang showbiz,” sabi pa ng young actress.

Tungkol naman kay Sam, ayon kay Anne ay tuloy pa rin ang communication nila, super-close pa rin daw sila at hindi naman daw nila sinasara ang pinto sa isa’t isa for a reconciliation.

No comments: