PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Friday, May 21, 2010

Lucy Torres binabanatan na ng mga kalaban ni Richard Gomez

NARINIG na ba ninyo, ang kung anu-anong intrigang ginagawa ng mga kalaban ni Cong. Lucy Torres sa Ormoc?

Siya naman ang iniintriga ngayon matapos silang magtagumpay na maipa-disqua-lify si Richard Gomez sa pagtakbo bilang representative ng Ormoc. Hindi nga si-guro nila matanggap na na-ipa-disqualify nga nila si Go-ma, ang asawa naman nito ang nanalo.

Sinasabi nila na nanalo lang si Lucy dahil pangalan pa rin ni Richard ang nakala-gay sa balota. Natural ‘yon dahil alternate candidate si-ya ng asawa, eh. Noon ngang araw ay may isang pulitiko na talagang talo sa bilang, pero nanalo pa dahil ang na-isulat sa balota ng ilang bo-tante ay ang pangalan ng asawa niyang sikat. Binilang ‘yon ng Comelec pabor sa kanya. Mas dapat intrigahin iyon kesa sa kaso ni Lucy, ‘di ba?

No comments: