PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Tuesday, May 18, 2010

Rocco sumisingit sa relasyong Lovi-Ronald

ALAM kaya ni Rocco Nacino na may BF na si Lovi Poe na puwedeng mag-react sa mga inireregalo niya sa aktres?

Hindi man magselos si Rep. Ronald Singson, magtataka ito sa mga ibinibigay ni Rocco kay Lovi na parang regalo ng manliligaw.

Unang nagbigay ng bouquet of white roses si Rocco kay Lovi bilang pakikipagkaibigan daw.

Last Sunday, habang nasa Camsur ang Kapuso stars para sa Party Pili-pinas, binigyan naman ni Rocco ng malaking box ng Mrs. Fields chocolate si Lovi na nagpasalamat at natuwa raw sa friendly gesture ng binata.

Pero friendly gesture lang ba talaga ’yon?

Kay Rocco walang magseselos dahil wala siyang GF, pero kay Lovi, ayaw ng kanyang “baby” at “sweetheart” n’yan.

No comments: