Nagtuturuan sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid kung sino ang sasagot sa tanong ng press tungkol sa luxury car na iniregalo ni Regine kay Ogie. Ayaw magsalita ng dalawa at ayaw nilang palakihin ang isyu, kaya ang press na ang nagkusang alamin ang tungkol dito.
Ayun, nalamang isang black BMW series 7 daw ang regalo ni Regine kay Ogie na tantiya nang nakausap ng press ay between P5 to 6 million ang halaga. From Regine’s own words, guilty gift niya ito sa BF dahil hindi niya naaalagaan dahil busy siya sa Diva.
Ibang ma-guilty si Regine, ‘no! Pero kapalit lang siguro ito sa old rose Hermes bag na birthday gift naman sa kanya ni Ogie.
No comments:
Post a Comment