“Nalulungkot ako. Ipag-pray na lang natin sila na malampasan nila ang pagsubok na ito.” Ito ang pahayag ni Phillip Salvador nang hingan namin ng reaksyon hinggil sa marital problems nina Kris Aquino at James Yap.
As we all know, naging bahagi rin ng buhay ni Kris si Kuya Ipe at may isa silang anak, si Joshua Phillip. Kaya naman hindi maiwasang hindi matanong ang aktor kapag may bagong development sa buhay ng ina ng kanyang anak.
Ayon pa kay Kuya Ipe, alam daw niyang makakaya ni Kris ang dinadaanan ngayon dahil kilala niya itong matatag at matapang na babae.
“At saka, alam ko namang malalim din ang pananalig niya sa Diyos kaya alam kong hindi siya pababayaan ng nasa Itaas,” say pa ng aktor.
Other than this ay ayaw na raw niyang mag-comment pa at basta ang hangad lang daw niya ay maging maayos ang lahat.
No comments:
Post a Comment