SUCCESSFUL ngang mata-tawag ang naganap na fa-shion show kamakailan sa Araneta Coliseum, pero du-sa naman ang inabot ng ilang artistang kasama sa show at mga celebrity na nanonood dahil nanakawan ng mga ga-mit ganu’ng sobrang higpit ng mga guwardiya riyan sa Araneta Center.
Puro porma lang kasi ang mga guwardiyang ito, kaya hayun nalusutan sila ng mga magnanakaw.
Nadukot sa bag ni Ehra Madrigal ang kanyang ka-mera, at si Coco Martin ay na-dukutan ng cellphone. Ultimo PA ni Gerald Anderson ay nawalan daw ng wallet.
Sa naturang fashion show, tinalbugan ng Kapa-milya stars sa dami ang Kapuso talents. Kasi naman out of 100 stars, 20 lang ang mga Kapuso at 80 ang mga Kapamilya.
Masasabi na ring show ng Kapamilya stars ang show dahil ultimo nagdirek nito ay taga-Dos kaya natural lang na mas maganda ang exposures ng mga Kapamilya kesa sa mga Kapuso.
At natural lang na mag-hiyawan ang mga nanonood sa Araneta sa Kapamilya stars dahil malalaswa ang mga suot nila kumpara sa Kapuso stars na hindi mga nagwala at ‘di pumayag sa utos sa kanila na magsuot ng daring.
‘Yong isang taga-Dos nga, para lang mapansin at makatikim ng hiyawan mu-la sa audience ay gumawa pa ng gimik nang dukutin ang kanyang pagka-lalaki sa suot na brief.
Sabi tuloy ng mga nakapanood sa Araneta Coliseum, mas wholesome daw ang dating ng Kapuso stars kumpara sa Kapamilya stars.
Anyway, marami ang nakapansin sa paghaharap nina Katrina Halili at Maricar Reyes sa naturang event.
Habang rumarampa ka-si si Katrina ay nasa audience naman si Maricar na nanonood kasama ng big boss ng Dos.
Parang sinadya, nang tumayo si Katrina sa stage ay sa harapan pa ni Maricar ito natiyempo.
Hindi ‘yon alam ni Katri-na, pero hindi nakaligtas sa mga mata ni Maricar ang pagtayo sa harapan niya ng Kapuso actress.
Pagkatapos ng show ay maraming press ang nagba-lak na tanungin or hingan ng reaction si Maricar sa pagkikita nila ni Katrina.
Dismayado lang ang mga press na naghintay sa labas para makausap si Maricar dahil nakaalis ito na hindi ni-la namalayan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment