PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Saturday, June 5, 2010

Lalaking 'karelasyon' ni Sheryl, nag-sorry!

Nag-sorry kay Sheryl Cruz ang man from Bacolod na na-link sa kanya. Charles ang panga­lan ng mhin na nag-apologize kay Sheryl sa pamamagitan ng e-mail na ipinadala niya sa Startalk.

Ang sey ni Charles, nahihiya siya kay Sheryl na nadamay lang sa pagseselos ng babae na kanyang kinakasama.

Crix ang name ng babae at ito ang unang nag­painterbyu sa Startalk noong nakaraang Sabado. Ibinulgar ni Crix na si Sheryl daw ang da­hi­lan ng paghihiwalay nila ng kanyang asawa.

Bumuwelta si Charles kay Crix. Hindi raw sila mag-asawa at base sa nilalaman ng kanyang e-mail, wala nang balak ang mhin na makipag-recon­cile kay Crix.

Sa totoo lang, naka-feel ako ng awa kay Crix da­hil ginawa niya ang lahat para hindi sila mag­hiwalay ni Charles pero nabigo siya.

Naniniwala ako sa explanation ni Sheryl na wala silang relasyon ni Charles. Totoo ang kanyang si­na­bi na hindi niya kailangan ng problema sa pa­nahong ito dahil katatapos lamang ng diborsiyo nila ni Norman Bustos.

No comments: