PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Monday, May 31, 2010

Shooting nade-delay na: Claudine at Anne naghihintay pa rin ng US visa

Na-delay na ang shooting sa Orange County, California ng In Your Eyes dahil hindi pa naka­ka­rating doon sina Anne Curtis at Claudine Bar­retto.

Ang balitang nakarating sa akin, naghihintay pa rin ng visa mula sa US Embassy ang ibang ka­­sama sa shooting.

Matagal nang naghihintay sa California si Ri­chard Gutierrez pero wala silang sinisisi ng kan­yang nanay na si Annabelle Rama dahil nau­una­waan nila ang sitwasyon.

Dahil delayed na ang shooting, affected nito ang schedule ni Richard. Nag-adjust na lang si Ri­chard ng schedule dahil importante na maka­pag-shooting sila nina Claudine at Anne sa Orange County.

Co-producer ng In Your Eyes ang GMA Films kaya madaling naayos ang schedule ni Richard na malapit nang magsimula ng taping ng Celebrity Edition ng Survivor Philippines kapag natapos na ang mga trabaho niya sa California.

No comments: