Ayaw mag-comment ni Jackie Rice sa tsikang ang next project niya sa GMA 7 after Panday Kids ay support siya nina Aljur Abrenica at Rhian Ramos dahil wala pa siyang alam. Nadidinig lang niyang ang dalawa ang makakasama niya, pero wala pa siyang idea sa role niya.
Pare-parehong under GMA Artist Center (GMAAC) ang tatlo, pumayag kaya ang GMAAC na mag-support si Jackie, gayung nagbibida na siya?
Anyway, kahapon sa Zambales ang last taping day ni Jackie ng Panday Kids na magtatapos na sa Friday. Natutuwa si Jackie sa magiging ending ng karakter niyang si Sarah, malaking twist ang mangyayari sa karakter niya.
Hindi ang maging big star, kundi ang maging magaling na aktres ang dream ni Jackie, kaya masaya ’pag nakakarinig ng feedback na malaki ang improvement niya sa acting at wish niyang mabigyan pa siya ng magandang project at challenging role.
Heto ang mas bigger challenge kay Jackie, kung paano matutupad ang dream niyang makatrabaho si Coco Martin. Malabong mangyari ito sa TV dahil sa magkaibang network sila nakakontrata, kaya maghintay na lang si Jackie na may producer na makakaisip na pagtambalin sila ni Coco sa isang indie film.
No comments:
Post a Comment