PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Tuesday, May 11, 2010

Pagtira sa ibang bansa dapat tuparin ni Kris Aquino!

Nangunguna sa presidential race si Sen. Noynoy Aquino at kung hindi magbabago ang trend, siya na talaga ang next president ng ating bayan.

Ang tanong, kung sakaling pangulo na ng Pili­pinas si Noynoy, kailan tutuparin ni Kris ang kan­yang pangako na pupunta at maninirahan siya sa abroad?

Hinding-hindi nalilimutan ng madlang-bayan ang sinabi noon ni Kris na titira siya at ang kanyang dalawang anak sa ibang bansa, kapag nag-win si Noynoy sa presidential election.

Hindi nga niya binanggit ang pangalan ni James Yap kaya nag-one-plus-one ang mga tao na silang mag-iina lamang ang maninirahan sa country of her choice.

Kung tutuparin ni Kris ang sinabi nito, tiyak na marami ang maghahatid sa kanya sa airport at hihin­tayin na lamang ang pagbabalik niya… after six years! Madaragdagan ang mga humahanga kay Kris kung patutunayan nito na meron siyang palabra de honor.

No comments: