PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Tuesday, May 11, 2010

Movie nina Aga at Regine finally matatapos na!

Photo is loading...

Mukhang finally ay matatapos na ang pe­likula nina Aga Muhlach and Regine Ve­las­quez. Yup, may schedule nang hawak si Direk Joyce Bernal ng dalawa niyang artista para sa pelikulang Of All the Things.

Six shooting days na lang ang kukunan nila at tapos na tapos na ang pelikula na supposedly ay noon pang April ipinalabas.

Hindi agad nagtagpo ang schedule ng mga bidang sina Aga at Regine kaya medyo na-delay ng konti ang shooting nila.

Habang hindi pa nagri-resume ang shooting ni Direk Joyce sa Viva Films ng Of All the Things, sinimulan na niya ang shooting ng Promise Me, ang pelikula nina Robin Padilla at Toni Gonzaga. Tentative title lang daw ’yun.

Naka-six shooting days na sila pero marami pang revision sa script kaya mga minor scenes lang ang kinukunan nila, ayon kay Direk Joyce na present kahapon sa review ng Here Comes the Bride sa Cinema Evaluation Board (CEB).

No comments: