PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Tuesday, May 11, 2010

Angelica tinalbugan si Eugene

Clap, clap, clap. Ang galing ni Angelica Panganiban sa Here Comes the Bride.

Bongga ang acting niya sa nasabing pelikula na magsisimulang mapanood sa mga sinehan bukas.

Actually, hindi siya nagpasapaw kay Eugene Domingo na bida rin sa nasabing movie. In fact, tinalbugan pa niya si Eugene though may mga funny moments din si Eugene.

Swak kasi kay Angelica ang role ni Stephanie na isang bride to be nung pumasok sa kanyang katawan ang character ng baklang hairdresser na mag-aayos sana sa entourage ng kanyang kasal na ginampanan ni John Lapus nang magbang­gaan ang sinasakyan nila papunta sa venue ng kanyang kasal sa isang beach nang magkaroon ng total eclipse.

OK talaga siyang maging bakla, carry na carry.

Si Eugene kasi, siguro kasi kapapanood ko pa lang sa kanya sa Working Girls kaya paki­ramdam ko hindi na masyadong bago ang akting niya sa pelikula.

Pero si John Lapus, for a change, ang galing niya sa Here Comes the Bride na baklang pinasukan naman ng character ni Jaime Fab­regas na isang lolo na apo ang pakakasalan ni Ange­lica. Hindi siya sigaw nang sigaw na naka­kairita sa tenga. Nagpakalalaki siya at dumating pa sa puntong may love scene sila ng ka-partner niyang dabyana sa pelikula.

Sina Tuesday Vargas and Jaime Fabregas, maganda rin ang acting at tama lang naman.

Si Tuesday na yaya ng bratty little boy na naging si Eugene na magaling na abogado.

Panoorin na lang ninyo ang pelikula. Impor­tante ang role ni Kuya Kim Atienza sa pelikula dahil siya ang magpapaliwanag kung bakit nag­ka­palit-palit ang character ng limang bida dito at kung ano ang gagawin para bumalik sa kanya-kanyang katawan ang lima na ang may kasa­lanan ay ang total eclipse na kada dalawang taon lang dumarating.

Nakakatawa at very light ang kuwento na idi­nirek at isinulat ni Chris Martinez for Star Cine­ma, Quantum, and OctoArts Films.

Graded B ng CEB ang pelikula.

No comments: