PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Wednesday, June 16, 2010

Willie live na umapir sa TV5 show

SINORPRESA ni Willie Revillame ang kaibigang si John Estrada sa taping ng Party On Five last Sunday night, dahil personal na umapir ang controversial host sa show.

Isa na kaya itong pahiwatig na talagang lilipat na si Willie sa Kapatid Network at tuluyan nang iiwan ang Wowowee at ABS-CBN?

Sa tanong ng stir.ph kay Willie kung ano ang pakiramdam sa muling pag-harap nang live sa audience matapos ang ilang buwang pagpapahinga, aniya: “Ökay naman. Masaya naman lahat ng tao. Pati si John masaya.”

Sobrang na-miss kaya ni Willie ang ingay at ningning ng showbiz, kahit pa sabihing may panahon na si-yang gawin ang mga bagay na hindi niya madalas magawa noon tulad ng paggo-golf at pag-travel sa kanyang yate, ay nakuha ni-yang puntahan at sorpresahin ang mga kaibigan at loyal supporters.

No comments: