PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Saturday, June 26, 2010

Renewal Contract ni Pauleen Luna

Nag-renew kahapon si Pauleen Luna ng kontrata sa Renew Placenta. Gabi nang idaos ang contract signing ni Pauleen dahil hindi siya puwedeng mag-absent sa Eat Bulaga.

Kapag may offer na bagong teleserye kay Pauleen, ang mag-taping siya pagkatapos ng Eat Bulaga ang unang request ko dahil mortal sin na hindi siya umapir sa number one noontime variety show ng bansa.

Matagal nang endorser si Pauleen ng Renew Placenta. Maganda ang relasyon namin sa mga bossing ng Renew Placenta dahil madali silang kausap at very supportive.

At alam n’yo ba na ang Renew Placenta ang mga pasalubong at padalang hinihingi sa akin ng mga kaibigan ko na nasa abroad? Kuminis daw ang kanilang balat dahil sa madalas na pag­gamit ng Renew Placenta.

No comments: