PINOY KUMITA DITO NG DOLLAR

Saturday, April 24, 2010

OUTSIDE: Kiko to be awarded in New York!


GMA Artist Center premium talent Kiko Rustia who is in the US for the Benetton pictorial will receive the Climate Change Awareness Award from the Fr. Neri Satur Awards for co-hosting “Born to be Wild” with Dr. Ferdz Recio at the Philippine Consulate in New York City on April 28!

“Rolling Stone” gave a favorable review to David Byrne and Fatboy Slim’s “Here Lies Love,” the 22-track musical CD about the early life of Imelda Romualdez Marcos which STIR (Showbiz Talk + Intriguing Reports) had FIRST CRACK report (CLICK HERE for details).

Chile’s Disney Channel shocked children viewers when a technical error screened a for adults-only Plaboy show!

Reeling from a US$3.7 billion of debts, MGM has been forced to suspend the next Bond movie, “Bond 23,” for a late 2011 or early 2012 release!

Christian’s pan de sal!


Who would have thought that Asia’s Pop Idol Christian Bautista will go shirtless on a billboard?

Motor vehicles tend to slow down upon glancing at his Bench OJ Blackwash billboard that can now be seen at EDSA corner Boni Avenue in Mandaluyong City. Funny that this billboard showing his "pan de sal" abs is right beside Pan de Manila, a pan de sal bakery.

Thanks to Gold’s Gym, the romantic balladeer now has a well-sculpted physique. He joins the ranks of Piolo Pascual, Jake Cuenca, Aljur Abrenica, and Sam Milby who all showcased their washboard abs on a giant billboard along EDSA billboard highway.

Christian is currently taking Indonesia by storm promoting his latest platinum CD album “Romance Revisited: The Love Songs of Jose Mari Chan” produced by Universal Records. His self-titled album along with his sophomore album “Completely” both reached platinum status in this neighboring country where he is also an endorser of various products.

(Will Christian go bolder by throwing the jeans up and posing in Ben Chan’s favorite undie? – EDGAR) (Image by Carlo Orosa)

MIA: “Gimik’s” reunion!


It’s not a reunion but a get-together of a few characters in the so-called “Gimik’s” “grandest reunion” this Sunday in “Your Song Presents.”

Only (as photo shows, from left to right) Diether Ocampo, Judy Ann Santos, Mylene Dizon, Bojo Molina, and G Toengi made it to the 2010 reunion of the “Gimik” cast. More than 90% were absent, making it a fake reunion.

But that’s understandable. Rico Yan is dead. Patrick Garcia, Marvin Agustin, and Jolina Magdangal have exclusive contracts with GMA7, ABS-CBN ‘s rival network. Dominic Ochoa, Diego Castro, Rica Peralejo, Kaye Abad, Paula Peralejo, LJ Moreno, John Lloyd Cruz as Junie de Dios, Kristine Hermosa, Kristopher Peralta, Cheska Garcia, Baron Geisler, Carlos Agassi could have been easily included in the reunion but budget does not allow such a large number of stars. The same situation applies to the extended cast which included Claudine Barretto, Jodi Sta. Maria, and Julia Clarete.

Pin Up


The original characters in “Working Girls” as acted by the original cast were made up of Carmi Martin, Gina Pareno, Maribel Lopez and Rio Locsin 25 years ago. Like the ladies of “Working Girls 2010” as played by Ruffa Gutierrez, Eugene Domingo, Cristine Reyes, Eula Valdez, Iza Calzado, Jennylyn Mercado and Bianca King, they are empowered and strong-willed. They know what they want and, more importantly, how to get it.

Ruffa plays Marilou, the beauty queen widow of a rich man forced to fight her way to find justice amid the hostile relatives of her late husband determined to cut off completely from her inheritance.

Eugene is Paula who makes a living by selling items on the Internet. She is hardworking, overly ambitious, and perennially trying to keep up with the Joneses.

Eula Valdez is the celebrity cosmetic surgeon Dr. Cleo who becomes the object of ire of feminists.

Cristine Reyes is promo girl Wendy, who will do anything to hook a celebrity lawyer.

Iza essays the character of Tere, a nurse waiting for her summons to work for a hospital in Boston but ends up taking care of the dying wife of the man who hurt her most in the past.

Jennylyn is Ada, an illegitimate daughter who ends up being a single mother herself. She works at a call center where she meets a man who could turn her life around if not for a hitch.

Bianca is the spoiled brat daughter who works as a segment producer in a TV company. She hates her stepmother so she devices ways to try and get rid of her.

What’s Sen. Manny Villar doing in “Wowowee” this Saturday?



Although ABS-CBN is yellow country, other presidential candidates wearing other colors are still welcome in the Kapamilya Network including orange-clad Sen. Manny Villar. The buzz is he’s banned there that “Wowowee” host Willie Revillame is not allowed to mention his name in the high-rating show. But Sen. Villar is scheduled to appear in “Wowowee” this Saturday for a surprise reason! Is he going to make his proclamation as a candidate for President in the 2010 elections in Willie’s show? STIR has no information. One thing is sure: He’s going to do something important, not just watch Willie leading the audience to do the exciting “Wowowee Wave.”

Four plus four equals nine!


No Sam Pinto and Georgina Wilson for the fresh “Wowowee!” In their places, four new hosts were added: Carmen Soo is a Malaysian actress who had decided to be based in the Philippines. Isabelle Abierra who is a Star Magic artist proved the most stunning of the four. Kelly Misa is a TV and print ad model who writes a column fo the “Philippine Daily Inquirer.” Jed Montero was discovered from “Wheel of Fortune,” “Wowowee’s” exciting game portion.

No current co-hosts were given the walking papers; Valerie Concepcion, Mariel Rodriguez, Pokwang, RR Enriquez stayed. There was a determined effort to make the current ones compete with the newbies. Pokwang, Mariel and RR beat everybody else in outfit changes. In every gap, they changed their wear. That makes nine hosts plus Wil Revillame! (Image by Allan Sancon)

Follow the misadventures of Melai Cantiveros and Jason Francisco through Melason in the City

Paano nga ba haharapin ng dalawang laking probinsya ang mabilis at magulong buhay sa siyudad, lalo na ngayong sikat na sila? Mabibigyang katuparan pa kaya nila ang mga pangarap para sa kanya-kanyang pamilya lalo pa’t over-over na ang pagka-busy nila? Iyan ang malalaman ng bayan sa “Melason in Da City,” ang bagong realiserye nina Melisa Cantiveros at Jason Francisco na magpapatawa at magpapakilig sa buong pamilya.

Simula Lunes (April 5) ng 10 am, muling masusundan ng bayan ang buhay ng magkasintahang Melai at Jason o “Melason” mula Lunes hanggang Biyernes habang sabay nilang inaabot ang kanilang mga pangarap kasabay ng pag-aadjust sa buhay Maynila. Si Melai kailangan ng pampagamot sa amang may sakit, samantalang gusto naman ni Jason ipagpatayo ng bahay ang pamilya.

Unang minahal ng tao ang tambalang Melason sa Pinoy Big Brother Double Up kung saan umusbong ang pagtitinginan ng Inday Kengkay ng General Santos City na si Melai at ang Boy Astig ng Mindoro na si Jason.

Sa Melason In Love naman, kung saan sinubukan ng mga kasabwat ang kanilang pagmamahalan, napatunayan nila ang tatag ng samahan nila. Dito rin unang nakita ang pagsabak nila sa showbiz mula TV guestings, presscons, hanggang maging cast ng Impostor at Kokey@Ako.

Dahil sa kanilang kasikatan, binansagan si Melai at Jason na “Prinsesa at Prinsipe ng Masa.”

At sa Melason in Da City patuloy silang mapapalapit sa publiko sa telebisyon man o sa Internet sa kanilang paghanap ng puwesto nila sa “real world.” Sa Lunes (April 5), samahan sina Melai at Jason sa paghahanap ng tirahan dito sa Maynila. Saksihan ang kakulitang dala ng dalawa sa kanilang mga posibleng landlord o landlady. Magaganap na rin ang muling pagsubok ng mag-sweetypie na makapag-malling matapos dumugin noong unang mall date nila.

Wala nang sabwatan ang magaganap sa bago nilang programa kaya’t nakasalalay na lang sa dalawa ang kanilang kapalaran. “Sobrang happy kasi hindi mahirap. Walang script. Masaya lang,” ani Melai sa bago nilang programa.

Si Jason naman ay lalong ginaganahang magtrabaho. “May kakayahan pala akong kumita. Pinaghihirapan ko. Akala ko, hindi ko magagawa, pero may pag-asa pala.”

Muling abangan ang sabay na pag-abot sa kanilang mga pangarap nina Melai at Jason sa Melason in Da City, simula ngayong Lunes (April 5), 10am sa ABS-CBN. Abangan din ang replay sa Studio 23, Lunes hanggang Biyernes ng 6:30 pm.

ELECTION WATCH: Senator Jinggoy Estrada: "We'll pull a surprise on election day."

Ilang araw na lang at magaganap na ang national elections. Pero ayon kay Sen. Jinggoy Estrada, "Hindi pa rin namin nakukumpleto ang pag-ikot sa buong Pilipinas."



Sa presscon na ipinatawag para sa kanya ng masugid na supporter na si Mother Lily Monteverde ng Regal Films, sinabi ng reeleksiyonista, "Siguro mga 80 percent pa lang ang naiikot namin. Ang last two weeks, hindi n'yo na siguro kami makikita sa Manila kung hindi nasa probinsiya kami. Susuyurin namin yun. Ako, yung Region 6 pupuntahan ko, dahil hindi pa namin napupuntahan yun."



Base sa mga surveys, hindi bumababa sa posisyon na number 1 or 2 ang senador.



"I feel very elated and I feel very humble," ang reaksiyon niya doon.



KRIS AQUINO'S APOLOGY. Kailan lang, may lumabas na nag-sorry raw sa kanya si Kris Aquino. Ito'y kaugnay sa binitiwang opinyon ni Liberal Party (LP) standard-bearer na si Sen. Benigno "Noynoy" Aquino III noong Marso na mali ang ginawang pagbibigay ng pardon ni President Gloria Arroyo kay former President Joseph Estrada, na pinatalsik sa tungkulan noong 2001, at gayundin sa mga sundalong convicted of conspiracy sa pagkamatay ng kanyang amang si Sen. Benigno Aquino Jr. noong 1983.



Pero ayon kay Sen. Estrada, "Ah, hindi, yung naging comment lang yata ni Senator Noy tungkol sa naging pardon na ibinigay [kay dating Pangulong] Estrada. Kasi sabi yata ni Noy, he's not in favor. Sabi ni Kris, she apologized, not in behalf of Senator Noynoy, but in her personal capacity dahil nagkaroon nga ng konting hindi pagkakaintindihan."



Ayon sa senador, ang mas isinusulong niya talaga ay ang kandidatura ng kanyang ama, si dating Pangulong Joseph Estrada.



"Right now medyo dehado kami. Based on the reaction and based on the crowd na nama-muster namin tuwing rally, palagay ko we'll pull a surprise on election day. God willing."



Kumusta naman ang dating Pres. Erap sa mga resulta ng surveys?



"He's okay. Kailangan pang mag-triple time siguro. Pero palagay ko, makukuha naman siguro namin."



OPINION ON AUTOMATED ELECTION. Anong masasabi niya sa posible raw na dayaan sa election o magkakaroon ng failure of election? All-out ba ang paniniwala niya sa automated election?



"May duda, may duda ako. Ang sinabi ko naman ever since, during my previous interview, sana, hindi ginamit yung automated election dito sa presidential election dahil itong election na ito, napakaimportante at napaka-crucial para sa sambayanang Pilipino at para sa ating bansa.



"If you fail in this election, mapapahiya na naman tayo sa mga neighboring countries natin. Sa bansang dayuhan."



SHARON CROSSES PARTY LINES. Habang ginaganap ang pa-presscon ni Mother Lily sa Imperial Palace Suites sa Quezon City noong Huwebes, April 22, nasorpresa halos ang lahat sa biglaang pagdating ng Megastar na si Sharon Cuneta.



Dumating si Sharon kahit na magkaiba sila ng partidong kinabibilangan, bilang pagpapakita pa rin nito ng suporta sa isang kaibigan. Ang asawa ni Sharon na si Francis "Kiko" Pangilinan ay LP, habang ang partido ni Estrada ay ang Pwersa ng Masang Pilipino.



"Siyempre nabigla at nagulat ako sa pagdating ni Sharon," ang sabi ni Senator Estrada. "Alam mo, si Sharon has always been a dear friend of mine, ever since. Kahit na nagkaproblema kami noong 2001 at nasa kabilang partido siya, I never took it against her.



"She still remain as my dear friend. Alam mo, kahit noong nakakulong ako, noong marinig ko na magkakaroon siya ng concert sa Araneta Coliseum, gustong-gusto kong manood. I texted her na, 'Gusto ko sanang manood ng concert mo, kaya lang nakakulong ako. Siguro paglabas ko, manonood ako ng concert mo.'



"And she texted back. Parang nagulat siya sa text ko. Parang napaiyak pa nga si Sharon sa akin noong kausap ko siya over the phone at nagulat siya. Despite of all the things that happened to us, naalala ko pa siya."



Ang pagkakakulong na tinutukoy ni Estrada ay ang pagtsa-charge sa kanya noong 2001, habang town mayor pa siya ng San Juan, bilang co-conspirator ng kanyang ama sa protection racket para sa jueteng. Pinayagan siyang mag-bail noong 2003, at noong sumunod na taon ay matagumpay siyang tumakbo para sa Senado.



Inamin ng senador na may gusto siya sa Megastar noon, pero, "hindi puppy love yun, true love yun!"

Dolphy on former home network ABS-CBN: "They are still my family."

Umeere na every weekend sa TV5 ang sitcom ng Comedy King na si Dolphy, ang Pidol's Wonderland. Isa itong comedy-fantasy series mula sa direksyon ng anak na si Eric Quizon, at kasama sa cast ang dalawa pang anak na si Jeffrey Quizon at si Vandolph Quizon at ang asawa nitong si Jenny. Ang iba pang castmates ay sina Brod Pete, Long Mejia, Joy Viado and Arianna Barouk.



Natutuwa nga si Tito Dolphy dahil muli na naman siyang napapanood sa telebisyon after almost three years. Ang huli niyang TV show ay ang John En Shirley sa ABS-CBN.



"After nga noong John En Shirley," kuwento ni Tito Dolphy sa kanyang presscon sa Milky Way Restaurant sa Makati City kahapon, April 23, "may sinimulan na ako na isang parang drama series titled Utoy. Nakapag-taping na kami noon pa pero biglang natigil. Hindi ko rin alam ang dahilan pero sabi nila may problema raw sa takbo ng script kaya parang iibahin nila.



"Hanggang sa nabalitaan ko na lang na na-shelve na ang project. Kasi nga naman nagsimula kami, bata pa si Makisig Morales. E, ngayon, binata na siya. Nanliligaw na nga, e. Kaya tinanggap ko na lang na wala na yung project."



"NASA KANILA ANG PUSO KO." Pero kahit hindi siya nabigyan ng bagong project ng ABS-CBN, wala raw siyang tampo rito dahil kalahati ng buhay niya ay nanilbihan siya sa naturang TV network. Kabilang sa mga naging shows niya sa ABS-CBN ay ang Tarantang-Tangtang, Buhay Artista, Home Along Da Riles, Home Along Da Airport, Quizon Avenue, John En Shirley, at nagkaroon siya ng guest role sa May Bukas Pa.



"Mahal ko ang mga tao sa ABS-CBN 2. Nasa kanila ang puso ko. Half of my life ay nasa pagbigay ko ng serbisyo sa kanila. Kaya kahit wala akong show sa kanila ngayon, they are still my family.



"Nagbiro nga ako, e. Kahit na extra papayag akong gawin sa ABS-CBN 2 dahil gano'n ko sila kamahal. But we all have to move on. 'Ika nga nila, doon tayo sa puwede tayong magkaroon ng trabaho.



"Yun lang naman ang hanap ng katawan ko. Gusto ko ay lagi akong kumikilos at nagtatrabaho. Parang kotse 'yan, e. Kapag hindi mo pinapaandar ang isang kotse, kahit na bago pa ang mga makina niyan, masisira dahil hindi kumikilos.



"Sa buong buhay ko naman, lagi na lang ang hiling ko ay ang magkatrabaho. Alam n'yo naman, marami pa tayong binubuhay at umaasa sa atin. Kaya nagpapasalamat ako sa TV5 dahil maganda ang binigay nilang trabaho. Kumbaga, it's worth the wait. Masaya ako sa project na 'binigay nila sa akin at sa mga anak ko," ngiti pa niya.



NEW IDEAS. Puwede naman daw lumabas pa si Tito Dolphy sa ABS-CBN dahil non-exclusive contract ang pinirmahan niya sa TV5. Nasa usapan naman daw nila na hindi siya pipigilan na lumabas sa Dos kung may magandang alok.



"Maayos naman silang kausap. Alam naman nila kunsaan ang puso ko talaga. Nirerespeto nila ang mga gusto ko. And I am very grateful sa TV5 kasi nga nag-conceptualize pa sila ng show para sa akin. Kaya nga pumayag akong gumawa sa kanila dahil maganda ang mga 'pinakita at 'pinaramdam nila sa akin.



"Maraming plano ang TV5 at sana nga ay suportahan natin sila dahil bago ang mga ideas nila. At marami kaming nabigyan pa ng trabaho dito sa network nila," ngiti pa ni Mang Dolphy.



Sa Pidol's Wonderland, may-ari si Tito Dolphy (bilang Mang Pidol) ng isang curio shop sa downtown Manila at nagkakaroon siya ng storytelling sessions sa kanyang mga kasamahan sa lugar. Buhay ang mga kuwento sa isipan ng mga nakikinig sa kanya at nagiging participant sila sa istorya.



"Comedy, light drama at fantasy ang takbo ng show namin. May part na totoong buhay kasi may pamilya ako sa show tapos may part na fantasy dahil nga sa mga kuwento ko na nagkakatotoo sa isipan naming lahat," sabi ng Comedy King.



JUST FOR DOLPHY. Ang maganda raw ay wala silang problema sa pagkuha ng mga magiging guest sa kanyang show.



"Yun din naman ang 'kinakatuwa ko... Pumapayag sila kaagad kapag sinabi ngang show ko.



"Open naman sila sa lahat ng artista. Mapa-ABS-CBN 2 or GMA-7, tinatanggap nila. Hindi ba mas maganda iyon? Walang problema at masaya ang lahat dahil may magandang trabaho tayo."



Ang episode this Sunday ay may title na "Ningning Sinungaling." Tungkol ito sa isang bata na nag-iilusyon na mayaman siya at nagsisinungaling siya sa kanyang mga kaibigan. Hindi niya alam na may isang misteryosang babae na kukulamin siya. Sa bawat kasinungalingan niya ay hahaba ang kanyang ilong, tenga at baba.



Ang mga guest nila nitong Linggo ay sina Lovely Rivero, Sammy Lagmay at Sweet Ramos. Mapapanood ang Pidol's Wonderland every Sunday, 6:30 p.m. sa TV5.

Jennylyn Mercado on Dennis Trillo: "Parang bigla kaming nag-click."

Dinalaw ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press ang taping ng Gumapang Ka Sa Lusak ng GMA-7, sa Alpadi Compound sa Antipolo City kahapon, April 23. Sina Dennis Trillo, Jennylyn Mercado at StarStruck V Second Prince Rocco Nacino ang involved sa taping noong araw na 'yon.



Pinanood muna namin ang rehearsal nina Dennis at Jennylyn bago mag-take, at kapansin-pansin ang sweetness nila sa isa't isa. Extra handsome si Dennis, beauty naman si Jennylyn, halatang in love sila sa isa't isa. After the take, nagpaunlak ng interview na magkatabi ang dalawa, para na rin sabay nilang sagutin ang mga questions.



Kung nasa Facebook sila, ano ang kanilang status ngayon?



Dennis: "Wala akong Facebook, anu-ano ba ang status na pagpipilian doon? Meron bang 'dating?'"



Jennylyn: "Hindi ako active sa Facebook ko, pero iyon, 'dating' ang status ko."



WHAT ABOUT ANDREI? That morning, may nasulat na nag-away daw silang dalawa. Posible ba na ang pinag-awayan nila ay ang mga nasulat na naglasing daw ang sinasabing boyfriend ni Jennylyn of two years na si Andrei Felix, pero pinakiusapan daw ni Jennylyn si Andrei na huwag ipaalam na may relasyon sila. Naglasing daw ba si Andrei dahil hindi niya alam na nagkakamabutihan na pala sina Dennis at Jennylyn?



Jennylyn: "Wala pong reason para kami mag-away ni Dennis. Friend ko lang po talaga si Andrei at alam din po iyon ni Dennis."



Dennis: "Hindi po totoo na nag-away kami ni Jen, wala kaming dapat pag-awayan. Kilala ko po si Andrei, minsan na kaming nagkasama sa isang show."



Dalawang beses na silang nagkasama sa show, ang "Dangal" episode ng afternoon drama series na Now And Forever noong 2006 at ang telefantasiyang Super Twins noong 2007. Bakit ngayon lang nila napansin ang isa't isa?



Dennis: "Siguro po dahil mayroon kaming karelasyon noon."



Jennylyn: "Iyon din po ang sagot ko." (Biniro ni Dennis si Jen kung bakit daw ginagaya nito ang sagot niya, at hinampas naman siya nang mahina ni Jen.)



WHEN DID IT START? Ipinaalala namin sa dalawa na sa Super Twins unang na-in love sa isa't isa sina Dennis at Cristine Reyes. Si Jennylyn naman ay nali-link noon kay Patrick Garcia, kaya parehong napangiti ang dalawa.



Paano nila na-discover na may attraction sila sa isa't isa?



Jennylyn: "Noon naman lagi kaming nagkikita sa SOP, pero hi, hello lamang kami."



Dennis: "Although nagkasama na nga kami sa shows noon, at kilala ko na siya, hindi ko rin alam kung kailan ba talaga nagsimula."



Last week of January 2010, nag-start silang mag-taping ng Gumapang Ka Sa Lusak. Dahil mag-sweetheart sila sa istorya at lagi silang magkayakap at naghahalikan sa eksena, doon kaya nagkaroon ng kulay ang pagtatambal nila?



Jennylyn: "Puwede po. Parang bigla kaming nag-click. Sabi nila may chemistry din daw kaming dalawa ni Dennis, magkasundo kami sa trabaho."



Dennis: "Noong una, iyong mga eksenang ginagawa naman namin, hindi namin pinepersonal. Pero habang tumatagal, may mga nakikita na ako sa kanya, may nadi-discover na ako tuwing magkasama kami sa trabaho."



WHAT DO THEY LIKE ABOUT EACH OTHER? Ano ba ang nagustuhan nila sa isa't isa?



Dennis: "Lahat. She's very simple, madali siyang i-please, mabait, maasikaso, maalaga, thoughtful."